Thursday, September 29, 2016

IKA-27 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

-->
ANG LAKAS NG MALIIT



Kailangang tanggapin natin na madalas, natutuklasan nating maliit ang ating pananampalataya. Kung kailan akala natin matibay tayo, saka naman yayanigin tayo ng problema, o paghihirap na talagang humahamon sa pinaka-ugat ng buhay. Ang mga pagsubok ay laging tila palakol na humahampas sa pananampalataya ng isang Kristiyano.



Ito siguro ang dahilang kung bakit sa Mabuting Balita (Lk 17:5ff) ang kahilingan ng mga alagad ay: Panginoon, dagdagan mo po ang aming pananampalataya. At kung bakit ito rin ang umaalingawngaw sa labi ng napakarami sa atin araw-araw: Panginoon, dagdagan mo po ang aming pananampalataya dahil dumadaan kami sa hirap ng relasyon, karamdaman, pag-aalala, pagkalito, kawalan ng kasiguraduhan sa bukas. Panginoon, dagdagan mo po ang aking pananampalataya.



At Diyos lang naman talaga ang makakapagdagdag sa ating pananampalataya. Pero binibigyan din tayo ng pagkakataon na makiisa sa pagpapalago ng ating pananampalataya. Hindi sumagot ang Panginoon na: Ok, dadagdagan ko yan! At bigla na lang lalago ito parang magic. Sa halip, ang sabi ng Panginoon, kahit maliit ang pananampalataya, kaya mo makagawa ng himala. Ano ito? Ibig sabihin, ang paraan ng pagpapalago ng pananampalataya, bukod sa dasal, ay ang paglalagay nito sa kilos!



Maniwala! Magtiwala! Ariin mo ang iyong himala at magiging totoo ito! Kung ang gagawin lang natin ay magdasal at humiling, pero hindi naman pakikilusin ang pananampalataya, hindi ito lalaki. May ipinagdarasal ka ba? May nais ka bang gawin ang Diyos para sa iyo? May nais ba ang iyong puso sa gitna ng iyong mga pagsubok?



Gamit ang iyong maliit na pananampalataya, sabihin mo sa balakid, sa sakit, sa kaaway, sa problema – lumayo ka dito at matanim ka sa ibang lugar! At magaganap ito – iyan ang pangako ng Panginoon


27TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

-->
THE STRENGTH OF THE SMALL



We need to accept the fact that at times, we discover that our faith is really small. Just as we think that our faith is robust, comes a problem, a concern, or a difficulty that shakes us from our foundation and threatens the root of our existence.  Challenges and trials in life always strike at the faith of a Christian.



Maybe this is the reason why in the gospel (Lk 17:5ff) the earnest request of the disciples to the Lord was: Lord increase our faith. And this is why this prayer is echoed on the lips of so many each day: Lord increase my faith for I am going through a trying relationship, a terrible sickness, anxieties over the future, a sense of abandonment and confusion, a lack of security for the future.  Lord increase my faith!



Only God can increase our faith! But the Lord also gives us the chance to participate in the active growth of our faith. He did not say: “Ok I will increase it!” And magically, faith blossoms! Instead, the Lord Jesus said, even if your faith is as small as a mustard seed (that’s very tiny), you can make miracles happen!  What does it mean? It means that the way to increase faith, aside from praying for it, is to put faith into action!



Believe! Walk in trust! Claim your miracle and it will be yours! If all you do is pray or wish or ask but you never exercise your small faith, it will not grow. Are you praying for something today? Do you want God to help you reach your dreams? Is there anything that your heart truly desires, in the midst of all your present dilemmas?



With your small faith, say to this problem, this obstacle, this sickness, this enemy, this concern – move away from me and be transplanted elsewhere!  And it will – that’s the Lord’s promise!


Monday, September 26, 2016

SAN LORENZO RUIZ, TUNAY NA PILIPINO, TUNAY NA SANTO

-->




SAN LORENZO RUIZ AT MGA KASAMA

MGA MARTIR




PISTA:  SETYEMBRE 28





A. KUWENTO NG BUHAY



Tandang-tanda ko pa noong 1987 ang walang pagsidlang kagalakan ng buong bansa dahil sa kanonisasyon ni San Lorenzo Ruiz at  mga kasamang martir.  Dahil siya ang kauna-unahang santo mula sa lahing Pilipino, tunay na naging simbolo siya ng ating bansa at ng ating pananampalataya.  Isang malaking biyaya ang pagkakaloob ng Diyos ng unang santo sa Pilipinas sa katauhan ni San Lorenzo Ruiz de Manila.



Napakadaling balikan ang buhay ni San Lorenzo Ruiz dahil hanggang ngayon ay may mga bakas pa ng panahon kung kailan siya ay nabuhay.  Mga bandang taong 1600 nang isilang siya sa Binondo sa Maynila. Si Lorenzo ay isang mestizo dahil ang kanyang ama ay dugong Chinese at ang kanyang ina ay isang Tagala.  Ang Binondo ay kilalang lugar noon ng mga Chinese sa siyudad at ganito pa rin ito hanggang ngayon.



Naging isang sakristan sa simbahan ng Binondo si Lorenzo sa kanyang kabataan. Nang lumaki siya ay nagtrabaho siya sa parokyang ito bilang isang sekretaryo ng parokya dahil mahusay at magandang pagmasdan ang kanyang pagsusulat.



Sinasabing nag-asawa si Lorenzo at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki at isang anak na babae.  Nakakatuwang isipin na ang unang santo ng Pilipinas ay mula sa hanay ng may pamilya. Naging mabuting asawa at ama si Lorenzo sa kanyang mag-anak.



Isang insidente ang naging dahilan ng pag-alis ni Lorenzo sa bansa. Dahil napagbintangan siyang pumatay ng isang tao, sinikap niyang tumakas sa mga taong dadakip sa kanya. Iniligtas siya ng mga paring Dominikano sa pagsama sa kanya sa barko na noon ay papaalis patungong Japan.



Ang mga pari at iba pang mga kasama ay papunta sa Japan noong bilang mga misyonero. Pagdating sa Japan, na noon ay bantog sa marahas na pag-uusig sa mga Kristiyano, nadakip si Lorenzo at ang mga kasama niya. 



Dumaan sa mahirap na torture habang nasa bilangguan si Lorenzo.  Naging matatag lamang siya dahil sa tulong-tulong na paghikayat ng mga magkakasamang Kristiyano upang lumakas ang kanilang loob. Nahatulan ng kamatayan si Lorenzo at 15 kasamang martir mula sa Spain, Italy, France, at Japan – magkahalong mga misyonero at mga lokal na Hapones na Katoliko.



Ibinitin si Lorenzo patiwarik sa isang balon. Binigyan din siya ng pagkakataong itakwil ang kanyang pananampalataya upang makaligtas at mabuhay.  Nakarating sa atin ang salaysay ng isang saksi sa mga salita ni Lorenzo:

“Ako ay Katoliko at buong puso kong tinatanggap ang kamatayan para sa Diyos. kung mayroon akong isang libong buhay, iaalay ko lahat ito para sa Kanya.”



Kasamang namatay ni Lorenzo ang 2 layko, 2 brothers, 9 na paring Dominikano, at 2 dalaga o birhen. Naganap ito sa Nagasaki noong 1637.



Ang beatification ni (Blessed) Lorenzo at mga kasama ay ginanap ni Pope John Paul II sa kanyang pagdalawa sa Pilipinas noong 1981, ang kauna-unahang beatification sa labas ng Roma.  Ang canonization naman ni (San) Lorenzo ay noong Oktubre 1987 sa Vatican City, sa Roma.



Si San Lorenzo ang patron saint nating mga Pilipino at mabuting huwaran ng mga asawa at ama ng tahanan.



Narito ang isa sa mga awiting nabuo dahil sa okasyon ng pagkahirang kay San Lorenzo bilang Unang Pilipinong Santo ng simbahang Katoliko:








LORENZO RUIZ, MARTIR



1. Ang Bayang Pilipino, ngayon ay nagsasaya

Isang sugo sa langit, tayo ay mayroon na.



Salamat sa Maykapal, sa banal na biyaya

Tinanghal ng daigdig, kayumangging dakila.



Refrain:

Purihin ka Lorenzo at iyong mga kasama

Alagad ng Maykapal, sagisag ng pag-asa

Sa Rosaryo ng Birhen, kami'y iyong kasama

Iyo ang aming puso, Lorenzo de Manila.





2. Ipagbunyi din natin, mga kasamang martir

Sa lupa at sa langit, sila ay dadakilain.



Salamat sa Maykapal, sa banal na biyaya

Tinanghal ng daigdig, kayumangging dakila.





(Repeat Refrain)



FINALE:  Iyo ang aming puso, Lorenzo de Manila.







B. HAMON SA BUHAY



Nawa’y maipagmalaki natin ang ating sarili bilang mga Pilipinong Katoliko. Nananalaytay sa ating mga ugat ang dugo ng magiting na martir sa langit na mula sa ating lahi.  Magkaroon sana tayo ng debosyon sa ating Pilipinong santo! Masundan nawa natin ang kanyang halimbawa ng pagiging tapat sa Diyos at sa simbahan.





K. KATAGA NG BUHAY





Salmo 95:3-4





Sapagkat ang Panginoon ay dakilang Diyos, ang Haring dakila sa lahat ng mga diyos. Nasa kamay niya ang kalaliman ng lupa, sa kanya ang kataasan ng mga bundok.





IKA-26 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON

-->
HINDI PA TAPOS ANG KUWENTO MO




Habang binabasa natin ang Lukas 15, naaalala natin ang nabuhay na pag-asa ng alibughang anak sa harap ng kanyang mahabaging Ama at habang dumadako naman tayo sa Lukas 16, nakikilala natin ang dalawang karakter, si Lazaro na mabaho, gutom, pulubi na nakaupo sa labas ng trangkahan ng mayamang lalaki (na walang pangalan, kasi puwedeng siya ay sinuman sa atin) na hindi man lamang nangahas na bigyan si Lazaro ng anumang tulong.




Tila si Lazaro ang tunay na kaawa-awa sa kanilang dalawa. Mahirap na, maysakit pa, walang magawa, naghihintay na lang ng huling hininga para matapos na ang lahat ng paghihirap sa buhay sa mundong ito. Para bang, ang dulo ng buhay ang pinakamasayang araw dahil ito ang hudyat ng dulo ng lahat ng pagkabusabos na dinanas niya sa buhay.




Pero ang sabi ng Panginoon kay Lazaro: hindi pa tapos ang kuwento ng buhay mo. Dahil pagkatapos sa lupa, si Lazaro (nakita ng mayaman matapos ang kanyang sariling kamatayan) ay nagsimulang mabuhay nang marangya, masaya at mapanatag sa hapag ng Ama sa langit. Matapos ang pasakit sa lupa, ang kuwento ni Lazaro ay nagpapatuloy, sa saliw ng ibang tugtugin, doon sa langit.




Ang pasanin niya ay naging pagpapala. Ang mga pagsubok niya ay naging tagumpay. Ang gusot ng buhay ay naging mensahe ng pag-asa sa lahat ng tulad niya, ay dumanas ng matinding pagdurusa.  Sa kanyang kawalang-pag-asa, ang nagawa lamang talaga ni Lazaro ay magtiwala sa Diyos, na matatapos din ang lahat ng sakit, at lahat ay magiging maayos, sa kamay ng Panginoon.




Iyong mayaman… tila buhay pa siya sa lupa, natuldukan na ang kuwento ng buhay niya.




Kung ngayon, dumadaan ka sa maraming pagsubok, kung tila mga bundok ang iyong mga balakid na hinaharap, kung wala kang lakas na tumayo at wala ring tumulong sa iyo upang makatayo, tandaan mong hindi pa tapos ang kuwento mo. Ang Diyos ang nakakakita, nakakaalam ng lahat ng iyong pinagdadaanan. Isang araw, mula sa trangkahan ng dusa, ay darating ka din sa hardin ng kapahingahan at kagalakan. Maniwala ka, magtiwala ka nang buong puso, magmahal sa gitna ng lahat, ngumiti kasama ni Hesus… dahan-dahan at unti-unti. Hindi pa tapos ang kuwento mo sa puso ng Diyos!


Thursday, September 22, 2016

26TH SUNDAY IN ORDINARY TIME

-->
 
THE STORY IS NOT OVER YET



While reading Luke 15 reminds us of the revived hope in the heart of the prodigal son before his all-merciful Father, Luke 16 brings us face to face with two characters, Lazarus, a dirty, hungry beggar who lay at the doorstep of th rich man (notoriously unnamed, since it can be us today) who never bothered to lift a finger to feed Lazarus.



It might seem that Lazarus was the more pitiful of the two. Poor, sick, helpless, on the verge of oblivion, he was just waiting for the time to expire his last breath and blissfully end his earthly suffering. For such a man, the end of earthly life must be the most glorious event of all for it will then be the end of all his misery.



Yet the Lord was telling Lazarus: your story is not over yet.  For after his earthly life, Lazarus, as he was seen by the rich man, also after his own death, lived on in luxury and comfort, in the bosom of the heavenly Father. After ending all pain in his personal history, Lazarus’ story continues, on a different note, in heaven.



His burden has become a blessing . His trials gave way to triumph. His misery has now been immersed in mercy. His mess now sends a message of hope to all who suffered like him.  In his helplessness, the only things he ever did was trust the Lord that one day, all this pain will be over, and everything will be fine, in the hands of God.





As for the rich man… it seems his story has ended even while he was still alive.



If you are today going through a lot of difficulties in your life, if you find mountains and hills of obstacles on your path, if you are helpless because other people did not enable you to rise up, remember that your story is not over. The God who sees us, and knows our sufferings, will one day transport us from the gate of suffering to the garden of rest and recovery. Believe, trust with all your heart, love in spite of the trials, smile with the Lord… one day at a time. In Jesus’ heart, your story is not over yet.



 

Thursday, September 15, 2016

IKA-25 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

-->
NAGHIHINTAY SIYA SA MALILIIT NA BAGAY



Boring na ba ang mga araw-araw mong gawain? At ang mga paulit-ulit na pangyayari sa buhay mo bawat araw? Hindi ka ba makapaghintay na marating ang pangarap at ang mga matatayog na hangarin mo para sa kinabukasan? Sabi ng Panginoon sa atin, medyo mag-isip-isip (Lk 16:10).



Dahil iyong mga maliliit na bagay sa buhay ay mahalaga sa langit. Iyong nakababagot na gawain araw-araw ay landas patungo sa kaligtasan. Ang mga ito ang simula ng bukas na higit pa sa inaasahan. Sabi ng Panginoon: ang sinumang matapat sa maliliit na bagay ay magiging matapat din sa malalaking bagay. Ang mapagkakatiwalaan sa maliliit at karapat-dapat sa tagumpay at kaganapan ng buhay.



Kaya nga, ang gawain mo sa bahay para sa asawa at mga anak, ang pag-aaral ng lesson sa iskul, ang pagpasok sa trabaho na may sigla, ang pagmamahal sa mga atas na dapat gawin ngayon – maaaring para sa iba ay maliit, mahirap, walang halaga pero sa Panginoon ito ang tanda ng katapatan at pagmamahal na hinahanap niya sa atin.



Higit pa diyan, ang mga maliliit na bagay ang nais ng Diyos na ialay natin sa kanya bilang handog. Tandaan nating si Santa Teresita ng Lisieux ay tapat na laging nakangiti sa mga nakapaligid sa kanya maghapon. Si Mother Teresa ng Calcutta, na pinakabagong santa natin, ay laging huminto upang kausapin at pansinin ang mga taong mahina at dukha. Si Hidilyn Diaz, na Pinoy champion sa Rio Olympics, ay hindi dating kilala pero tahimik na nag ensayo sa kanilang bahay sa Zamboanga.



Ang ginagawa mo ba ay tila maliit at walang halaga? Simulan mo kayang ialay ito sa Panginoon at sa kapwa mo nang may pag-ibig upang magamit ito ng Diyos para sa kinabukasang higit pa sa iyong inaasahan?


25TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

-->
HE EXPECTS THE LITTLE THINGS



Bored with your usual daily tasks? Bored by the routine that you have to go through each day? Impatient to get to your dream or to do the extraordinary feat you have been imagining to accomplish? Jesus tells us today to think again (Lk 16:10).



For the little things count a lot in heaven. The boring routine may be the road to salvation. The daily tasks are the start of a future more than you can imagine. The Lord says: the one who is faithful in little things will be faithful in bigger ones. The one who proves trustworthy in little things will receive the reward of success and fulfillment in life.



So maintaining the house for your husband and children, religiously reviewing and studying for school, coming to work with enthusiasm and joy, loving your daily duties as essential components of your and God’s dream for your future – these may be considered tedious, menial, insignificant by many people today, but to the Lord, these are hallmarks of faithfulness and love for him and for our neighbor.



More than this, the little, simple things can be all that God wants us to offer him as a pleasing sacrifice. Remember how St. Therese of the Child Jesus smiled sincerely at the people around her each day. Mother Teresa of Calcutta, proclaimed saint a few days ago, took time to stop and noticed God in the weakest and most broken. Hidilyn Diaz, Pinoy Olympic medalist in Rio, labored in obscurity as she practiced and prepared for her win.



Are you doing something you feel is small, boring, routinary, insignificant? Why don’t you start offering it to the Lord and to your loved ones today so that God can bring about something unimaginably big in the future?