Ano ang pagkakaiba ng BUNGA ng Espiritu Santo sa mga KALOOB ng Espiritu Santo? Ang mga Kaloob (7 Gifts of the Holy Spirit, Is. 11: 2-3) ay mga mabubuting katangian na dulot ng Espiritu Santo sa ating kaluluwa (virtues sa Ingles, tulad ng theological virtues na pananampalataya, pag-asa at pag-ibig). Ang mga Bunga (Gal 5:22-23) naman ay mga mabubuting kilos na nagmumula sa mga Kaloob na ito. Namumunga tayo ng kabutihan dahil Espiritu Santo, sa ating pagkilos at pagsasabuhay ng pananampalataya sa mundo. Nagagawa natin ito dahil sa tulong ng Espiritu Santo. Ang presensya ng mga Bunga ng Espiritu Santo sa ating buhay ay patunay na nananahan sa atin ang Espiritu ng Diyos. Ayon sa Gal. 5, may 9 na bunga ang Espiritu Santo sa atin: “Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. ” Subalit sa tradisyong Katoliko, itinuturo na ma