ANG BANAL NA MISA PAMBUNGAD NA AWIT Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng anak, at ng Espiritu Santo. Bayan: Amen P. Sumainyo ang Panginoon. B. At sumainyo rin. P. Mga kapatid, aminin nating ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat sa pagdiriwang ng banal na paghahaing ito. Sinugong Tagapagpagaling sa mga nagsisisi, Panginoon, kaawaan mo kami. B. Panginoon, kaawaan mo kami. P. Dumating na Tagapag-anyayang mga makasalana’y magsisi, Kristo, kaawaan mo kami. B. Kristo, kaawaan mo kami. P. Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami Panginoon, kaawaan mo kami. B. Panginoon, kaawaan mo kami. P. Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, Patawarin tayo sa ating mga kasalanan, At patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. B. Amen. GLORIA/ LUWALHATI
PADRE MARIANO GOMES (Gomez, ayon sa kanyang orihinal na apelyido) Isinilang si Padre Gomez sa Santa Cruz, Maynila noong Agosto 2, 1799. Itinuturing siyang isang tornatrás o torna atrás o iyong may magkahalong dugo na Indio, Intsik at Kastila; karaniwang ang ama ay Kastila at ang ina ay mestisang Intsik. Ang kanyang mga magulang ay sina Alejandro Francisco Gomez at Martina Custodio. Pumasok siya sa mga paaralang Letran at UST. Naghanda naman siya sa pagpapari sa Seminaryo ng Maynila na ngayon ay San Carlos. Taong 1824 nang maging parish priest si Fr Gomes ng Bacoor, Cavite. Nakakitaan siya ng kasipagan sa pag-aalaga sa espirituwal na kabutihan ng mga tao, gayundin sa pagtuturo sa kanila ng kabuhayan at ng agrikultura. May maganda siyang pakikitungo sa mga kapwa pari. Kabilang siya sa mga nasyonalistang pari na nakikipagbuno para sa pantay na karapatan at pagkilala sa mga paring secular (o iyong hindi miyembro ng mga religious order tulad ng Dominicans, Franc
Ano ang pagkakaiba ng BUNGA ng Espiritu Santo sa mga KALOOB ng Espiritu Santo? Ang mga Kaloob (7 Gifts of the Holy Spirit, Is. 11: 2-3) ay mga mabubuting katangian na dulot ng Espiritu Santo sa ating kaluluwa (virtues sa Ingles, tulad ng theological virtues na pananampalataya, pag-asa at pag-ibig). Ang mga Bunga (Gal 5:22-23) naman ay mga mabubuting kilos na nagmumula sa mga Kaloob na ito. Namumunga tayo ng kabutihan dahil Espiritu Santo, sa ating pagkilos at pagsasabuhay ng pananampalataya sa mundo. Nagagawa natin ito dahil sa tulong ng Espiritu Santo. Ang presensya ng mga Bunga ng Espiritu Santo sa ating buhay ay patunay na nananahan sa atin ang Espiritu ng Diyos. Ayon sa Gal. 5, may 9 na bunga ang Espiritu Santo sa atin: “Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. ” Subalit sa tradisyong Katoliko, itinuturo na ma
Comments