IKA-33 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A
PALIGSAHAN NG GALING?
Sunud sunod ang paglabas ng iba’t ibang talent show mula sa ibang bansa. At nang ito ay makarating sa ating bansa, nagkaroon tayo ng iba’t ibang talent show gaya ng Pinoy Idol, Pilipinas Got Talent, Talentadong Pinoy, The Voice of the Philippines at Showtime. Hindi lang ang mga Pilipino ang naloko o nahumaling sa mga show na ito kundi pati na rin ang mga sa iba’t ibang parte ng mundo.
Inihayag ng ating Ebanghelyo ang tungkol sa mga talent. Pero ang mga talentong tinutukoy ditto ay hindi pagsayaw at pagkanta kundi ang mga mabubuting bagay na natatanggap natin sa Diyos. Ibinibahagi ng Diyos ang mga talent: iba iba ang talentong binabahagi niya sa atin. Maraming aral ang dapat nating matutunan tungkol sa mga talentong ito.
Sa una, hidni pare parehas at pantay pantay ang mga nakuha nating talent. Sabi ng Panginoon, ibinahagi ng maestro ang mga talent ayon sa kanilang abilidad. Walang namang may hawak ng lahat ng talento. Si Susan Boyle ay na-“boo” sa Britanya dahil siya ay masagwang tignan at walang appeal sa tao pero nung siya ay kumanta at bumirit, dumagundong ang lugar dahil sa hiyawan ng mga tao at nagwawagi siya sa mga ito. Nasa loob ang kanyang kagandahan.
Sinasabi sa atin ng Panginoon na huwag mainggit sa iba. Tigilan natin ang pagkukumpara ng sarili natin sa iba. Sa halip, tumingin tayo sa ating sarili at pasalamatan ang Panginoon sa mga mabubuting bagay na ipinagkaloon niya sa atin.
Pangalawa, kapag nalaman mo na ang iyong talent, linangin mo ito. Ang talent ay iba sa natural na talino o kagalingan. Ito ay mabilis lamang maglalaho at mawawala. Pero ang talent ay isang biyaya na nadadagdagan at lumalaki at nagbabago. Ang ilan ay nakatuon sa mga natural na biyaya at nakakalimutang magpokus sa tunay nilang talent.
Isang gwapong lalaki nung high school pa lang ako ang kinagigiliwan ng lahat ng babae. Ang kanyang itsura at karisma ang nagpabaliw sa mga tao sa paligid niya. Nung minsan, nakita ko siya sa dating lugar kung saan kami nakatira, siya ay hindi gwapo, siya ay matanda at madungis. Dahil sa pagsasabi niya sa mga babae para makipag-date, siya hindi nakatapos ng pag-aaral. Ngayon siya minsanan na lang magkatrabaho, depende na lang kung may darating.
Kaya huwag tayong umasa sa kung ano ang itsura natin,sa mukha, sa hugis ng katawan at sa mga muscles. Hanapin moa ng iyong tunay talent at gawin ang lahat para ito ay linangin.
At huli, tayo ay binibigyan ng dahilan ng Panginoon kung bakit natin dapat linangin an gating mga talent. Darating ang oras na tayo ay magtataya sa mga biyayang natanggap natin. Tayo ay tatanungin ng Panginoon kung paano natin ginamit an gating mga talent. Ginamit ba natin ito para papurihan ang Panginoon at tulungan ang ating kapwa. Para sa Panginoon, hindi katanggap tanggap ang maging matalino ngunit hindi nais ibahagi ang kanyang kaalaman, mahusay pero tamad magtrabaho, mayaman pero hindi mapagbigay.
Ang mabuting balita dito ay, lahat tayo ay nakakatanggap ng biyaya mula sa Panginoon. Gamitn natin ito para pabutihin an gating buhay at ang iba. Ibalik natin ang lahat ng papuri sa Panginoon.