CATHOLIC CHURCH SA CHINA, KAILANGAN NG DASAL

PATULOY ANG PAG-UUSIG O PERSECUTION SA MGA KATOLIKO SA CHINA, AT GAYUNDIN SA IBANG MGA KRISTIYANO AT MGA RELIHYON DOON, NG KOMUNISTANG GOBYERNO SA PAMUMUNO NI XI JINPING. IPAGDASAL NATIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA LALO NA SA MAYO 24, 2022 (KAPISTAHAN NG MARY HELP OF CHRISTIANS), ANG KALAGAYAN NG MGA KAPATID NATING KATOLIKO. NARITO ANG ILANG MGA LIDER KRISTIYANO NA PINAG-UUSIG NG GOBYERNONG KOMUNISTA NG CHINA: CARDINAL JOSEPH ZEN Si Cardinal Zen ay ang retired bishop ng Hongkong, tagapagtaguyod ng kalayaan ng pananampalataya, karapatang pantao at demokrasya. Inaresto at kinasuhan dahil sa kanyang suporta sa kilusang demokratiko. Nakalaya dahil sa piyansa, siya ay nakatakdang haharap sa korte sa Mayo 24 at tila mapapatawan ng sentensya ng habang buhay na pagka-bilanggo. BISHOP JAMES SU ZHIMIN Si Bishop Su ay isa sa pinakamatagal na naging political prisoner sa buong mundo; siya ang obispo ng Baoding diocese sa Hebei p