14 RULES OF DISCERNMENT OF SPIRITS OF ST. IGNATIUS OF LOYOLA (TAGALOG)
14 NA PANUNTUNAN SA PAGKILATIS SA MGA ESPIRITU AYON KAY SAN IGNACIO DE LOYOLA (sariling salin sa Tagalog ng ourparishpriest blog) RULE 1 KAPAG ANG ISANG TAO AY LUMALAYO SA DIYOS Sa mga taong naglalakbay mula sa kasalanang mortal patungo sa ibayong kasalanang mortal, ang kaaway ay karaniwang nagmumungkahi ng mga tila masasarap na bagay, mga imahinasyon na nadaramang ligaya at sarap upang lalo silang kumapit at malulong sa kanilang mga kasalanan at bisyo. Sa mga taong ito, ang mabuting espiritu naman ay gumagamit ng baligtad na paraan, tinutusok at kinakagat ang konsiyensya nila sa pamamagitan ng katuwiran. RULE 2 KAPAG ANG ISANG TAO AY LUMALAPIT SA DIYOS Sa mga taong patuloy na naglilinis ng kanilang kasalanan at lumalago mula mabuti patungo sa mas mabuti sa paglilingkod sa Diyos na ating Panginoon, baligtad ang paraan sa nabanggit sa unang batas, dahil dito ang masamang espiritu ang siyang ku...