ANG SUSUNOD NA SANTO PAPA?
Matagal nang bulung-bulungan: sino nga kaya ang magiging kahalili ni Pope Francis bilang pinuno ng Simbahang Katoliko sa buong daigdig? Saang lupalop ng mundo kaya siya manggagaling? Malakas pa naman si Pope Francis at nais natin ang kanyang mabuting kalusugan at kapakanan, subalit alam din natin umuusad na siya sa taon ng buhay kaya hindi masamang magtanong: Sino kaya ang maaaring humalili sa kanya? Kamamatay lamang ni Pope Emeritus Benedict XVI noong huling araw ng 2022. At dahil nagbitiw siya sa puwesto, walang naganap na halalan ng Santo Papa dahil nakaupo pa nga si Pope Francis. Ang maaaring maging Santo Papa ay kinakailangang isang lalaki at binyagang Katoliko. Karaniwang nagmumula ito sa hanay ng mga Kardinal sa buong daigdig na siya ring nakikiisa sa halalan na tinatawag na conclave. Tanging ang mga Kardinal na wala pang 80 taong gulang ang maaaring maghalal ng bagong Santo Papa. Sa nakaraang ilang daang taon, isa sa mga kasapi ng grupong ...