KAPISTAHAN NG SANTO NIÑO, A
LUMALAKI DIN ANG BATA MT. 18: 1-5 Ang bata ay maliit, musmos. Ang bata ay hindi pa ganap sa maraming larangan ng buhay niya. Mahina ang bata at maligalig. Walang karanasan sa buhay ang bata. Ang bata ay walang magagawa kung hindi tutulungan o sasaklolohan. Bakit tayo pinapayuhan ng Panginoong Hesus na ihawig ang ating buhay sa isang bata? Hindi dahil ang bata ay bulilit, malambing at nakagigiliw, kundi sa katotohanang ang bata ay may natatagong kakayahan o potensyal. Maliit ngayon, pero magiging malaki balang araw. Hindi ganap, subalit magiging hinog at husto sa kinabukasan. Mahina, subalit magkakaroon ng lakas. Walang karanasan, subalit maaaring maging matalino at marunong. Walang magagawa ngayon subalit habang lumalaon, magiging malikhain, maparaan, at matatag. Huwag nating gamitin ang mga kataga ng Panginoong Hesus upang manatiling bata, tularan ang mga limitasyon ng bata, o maging panatag na laging bata. Maram...