LINGGO NG PENTEKOSTES K
ANG KALOOB NA ESPIRITU, KALOOB NA KAPAYAPAAN JN 20: 19-23 Laking sindak at gulat ng mga alagad! Si Hesus na inakala nilang patay na, ngayon ay lumitaw sa harap nila. Natakot sila sa maaaring kahinatnan ng engkuwentrong ito. Bago siya mamatay, hindi pa naman nila kinayang Samahan siya sa pagdarasal sa Halamanan. Nagtakbuhan pa naman silang lahat nang dinakip siya ng mga kaaway. Sa Kalbaryo, ni isang hibla ng buhok nila ay hindi nakayang saksihan ang kanyang kamatayan. Takot sila, nahihiya sila, dahil iniwan nila siyang nag-iisa. Handa na sila ngayon sa sasabihin niya. Kahit pa sumabog siya sa galit at sabihing: Nasaan kayo nang nagdurusa ako? Paano Ninyo natiis na pabayaan ako doon? Ni wala bang isa man sa inyo ang may tapang at lakas na manindigan para sa akin? Anong klase kayong mga alagad na hindi sumubok man lang na ipagtanggol ako? Subalit narito si Hesus ngayon, paulit ulit sa iisang mensahe niya – Kapayapaan! ...