Posts

Showing posts with the label ST. FRANCIS DE SALES

SAINTS OF JANUARY: SAN FRANCISCO NG SALES

Image
ENERO 24 SAN FRANCISCO NG SALES, OBISPO AT PANTAS NG SIMBAHAN A. KUWENTO NG BUHAY Ang obispong si San Francisco ng Sales ay nagmula sa bayan ng Annecy, Savoy (Switzerland) at isinilang noong 1567.   Doon na rin siya unang nag-aral at nang lumaon ay dumayo sa Paris, France upang magpatuloy ng pag-aaral sa ilalim ng mga Jesuits . Nagpakadalubhasa siya sa Padua, Italy (Padova sa salitang Italiano) sa larangan ng batas; kapwa canon at civil law ang tinapos niya doon. Inialok sa kanya subalit tinanggihan din niya ang tungkulin bilang senador ng Chambery . Sa halip, pumasok siya sa paglilingkod sa bayan ng Diyos at naging isang pari. Sa panahon niya ay lumalaganap ang Protestantismo sa Europa at ang bansang Switzerland ay mabilis na napasok ng mga aral ng batikang Protestante na si John Calvin.   Nagtiyaga si San Francisco na labanan ang pag-usad ng sangay ng Protestantismo na tinatawad na Calvinism .   Naging matagumpay naman siya sa kany...

SINO SI SAN FRANCISCO DE SALES - MGA MATERYAL (RESOURCES)

Image
  FR TAM NGUYEN'S PHOTO   TALAMBUHAY https://ourparishpriest.blogspot.com/2014/11/meet-saints-san-francisco-ng-sales.html     150th JUBILEE OF ST. FRANCIS DE SALES AND ST. JANE FRANCES DE SALES     https://ourparishpriest.blogspot.com/2022/08/jubilee-year-ni-san-francisco-de-sales.html   NOVENA/ NOBENA https://ourparishpriest.blogspot.com/2020/01/novena-to-saint-francis-de-sales.html   PATRON SAINT NG MGA PIPI AT BINGI https://ourparishpriest.blogspot.com/2019/02/patron-saint-ng-mga-pipi-at-bingi.html     PITONG KALOOB NG ESPIRITU SANTO https://ourparishpriest.blogspot.com/2017/06/ang-pitong-mga-kaloob-ng-espiritu-santo.html   FASTING O PAG-AAYUNO https://ourparishpriest.blogspot.com/2019/03/paano-mag-ayuno-fasting-ayon-kay-san.html https://ourparishpriest.blogspot.com/2020/02/modernong-fasting-at-abstinence.html     PAANO LABANAN ANG TUKSO https://ourparishpriest.blogspot.com/2020/03/paano-labanan-ang-tukso-part-1.html ...

JUBILEE YEAR NI SAN FRANCISCO DE SALES AT STA. JUANA FRANCISCA DE CHANTAL

Image
  IPAGDIWANG NATIN ANG 400 ANIBERSARYO NG KAMATAYAN NI SAN FRANCISCO DE SALES AT 450 ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NG KANYANG KAIBIGANG SI SANTA JUANA FRANCISCA DE CHANTAL.   MAKI-JOIN SA FB GROUP "DAILY INSPIRATIONS FROM ST. FRANCIS DE SALES" PARA MAKATANGGAP NG ARAW-ARAW NA ARAL MULA KAY SAN FRANCISCO DE SALES, ANG PATRON AT GABAY SA PRAKTIKAL NA KABANALAN. JOIN: https://www.facebook.com/groups/2452784104863469   MGA RELICS NINA SAN FRANCISCO DE SALES AT SANTA JUANA DE CHANTAL:    

ANG PITONG MGA KALOOB NG ESPIRITU SANTO: ANO BA TALAGA ITO?

Image
-->   matutunghayan na po ito sa ating bagong website:  https://www.ourparishpriest.com/2022/05/ang-pitong-mga-kaloob-ng-espiritu-santo-ano-ba-talaga-ito/

FASTING O PAG-AAYUNO AYON KAY SAN FRANCISCO DE SALES

Image
Ito lahat ang nais kong sabihin tungkol sa pag-aayuno (fasting) at kung ano ang dapat tupdin upang makapag-ayuno nang maayos. Ang una, ang pag-aayuno ay dapat buo at pangkalahatan; ibig sabihin, lahat ng bahagi ng katawan at lakas ng kaluluwa ay dapat mag-ayuno: itutok pababa ang tingin o kaya tumingin na mas mababa kaysa sa karaniwang ginagawa; manatiling mas tahimik, o kaya gawin ito mas madalas kaysa kinaugalian; magsakripisyo ng tainga at dila upang huwag nang makarinig o makapagsalita ng anumang mayabang o walang-silbi; ang pang-unawa upang alalahanin ang mapapait o malulungkot na bagay at iwasan ang mga masasaya at kaaya-ayang kaisipan; magpigil sa sarili at dalhin ang espiritu sa paanan ng krus sa tulong ng mga banal at mapighating kaisipan. Kapag ginawa mo ito, ang pag-aayuno ay magiging pangkalahatan, panloob at panglabas, dahil nagsasakripisyo ang katawan at espiritu. Ang ikalawang kundisyon ay huwag gawin ang pag-aayuno o kumilos ng anuman para sa m...

PAANO LABANAN ANG TUKSO – part 1

Image
Anak, kung nais mong maglingkod sa Diyos, ihanda ang kaluluwa mo sa mga pagsubok – Sirac 2:1 Walang ligtas sa mga tukso kung nais niyang paglingkuran ang Diyos. Subalit kahit walang taong ligtas sa tukso, hindi nararapat na tayo ang pumunta sa lugar kung saan naroroon ang tukso. Ang Panginoong Hesus ay hindi nagpunta sa lugar ng tukso; Siya ay dinala doon ng Espiritu; ibig sabihin, napunta siya doon bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Si Haring David, naghanap ng sariling tukso nang panoorin niya sa kanyang bintana ang magandang babaeng naliligo sa katabing bahay (2 Hari 11:1-4). Pero si Jose, sa Lumang Tipan (Gen 37:28) ay nanindigan na iwasan ang tukso ng asawa ng kanyang panginoon, na noon ay nagka-interes sa kanya. Tiyak na ang nais maglingkod sa Diyos ay dadaan at dadaan sa mga tukso. Si Ananias at Safira (Gawa 5: 1-3) matapos mangako na itatalaga ang loob sa simbahan ay biglang natuksong magsinung...

PEACE OF MIND BA ANG NAIS MO? PAGNILAYAN PO ITO!

Image
Manatiling Payapa  mga panalangin ni SAN FRANCISCO DE SALES  (kapistahan, Enero 24; isa sa mga Paborito kong Santo)   Huwag mong haraping may takot ang mga pagbabago sa buhay; sa halip, tingnan mong may buong pag-asa ang mga ito kung dumating man; Ang Diyos na nagmamay-ari sa iyo, ang aakay sa iyo na ligtas sa gitna ng lahat ng bagay; At kung hindi mo na kaya, kakargahin ka ng Diyos sa kanyang mga bisig. Huwag matakot sa magaganap bukas; siya ring maunawaing Ama na nangangalaga sa iyo ngayon ang mag-aalaga sa iyo bukas at araw-araw. Maaaring ilayo ka niya sa mga paghihirap o kaya naman bigyan ka ng lakas na harapin ang mga ito. Manatiling payapa, at ilayo mo sa sarili ang mga maligalig na alalahanin at mga hinagap.   SA MAHAL NA BIRHENG MARIA O Mahal na Birhen, minamahal kong ina, nagpupugay ako sa iyo, at iginagalang ka ng buo ...

NOVENA TO SAINT FRANCIS DE SALES/ ENGLISH-TAGALOG

Image
ENGLISH (feast, January 24) O Blessed Francis de Sales, who in your mortal life did excel in all virtues, especially in love of God and of neighbor, I earnestly entreat you to take me under your immediate protection, to obtain from God my perfect conversion, and that of all sinners, especially of (the names of persons for whom you wish to pray should be mentioned here). Teach me, O Father, to fix my eyes on heaven, that I may generously trample under foot every obstacle that presents itself in my way, and attain that degree of glory which You in Your mercy hold out to me. Obtain also that particular favor for which I now pray. (mention intention) Assist us, O Lord, we beseech You, through the merits of St. Francis de Sales. That what our endeavors cannot obtain may be given us by his intercession. Let us pray: O God, who for the salvation of souls, did will that St. Francis de Sales, Your confessor and bishop, should become all things t...

PAKATANDAAN: HINDI SA DIYOS GALING ANG PROBLEMA NATIN SA BUHAY

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 30 May tatlong bagay tungkol sa pananatili sa kapayapaan na hindi dapat kalimutan. Una, ang kapayapaan ay hindi nangangahulugan na walang pait o sakit sa buhay. Nawawala ang kapayapaan hindi kapag walang problema, kundi kapag tumigil ka nang sumandal sa Diyo at kapag napabayaan mo ang iyong mga tungkulin sa kanya. Dapat asahan ang pait at huwag mabahala dahil dito. Ang mga nakasanayan natin ay hindi madaling nawawala. At kapag pinakawalan natin, nagdudulot ito ng pagiging “bagong tao” natin sa harap ng Diyos kahit may kasamang konting pag-aatubili. Huwag maguluhan. Hindi binabawi ng Diyos ang kanyang pagpapala sa iyo. Ikalawa, hindi sa Diyos nagmumula ang pagkabagabag kailanman. Dahil ang pagkabagabag ay kalaban ng kapayapaan, hindi ito magmumula sa Diyos. Ito ay kalaban ng espiritu kaya hindi Diyos ang nagdudulot nito. ...

MAGSALITA KA. MAKINIG KA.

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 29 Minsan naman, kapag lumapit tayo sa presensya ng Panginoon, hindi problema kung ano ang sasabihin natin. Handa tayong makipag-usap at makinig naman sa kanyang mensahe sa atin. Kalimitan, ang tugon niya ay mga tahimik na udyok at mga tahimik na kilos sa ating puso. Ang ating kaluluwa ay pupunuin niya ng pagkalugod at tapang. Kaya nga, kung may kaya kang sabihin sa Panginoon, gawin mo ito sa pamamagitan ng mga salita ng panalangin. Purihin siya. Makinig sa kanya. Subalit, gaano man kapuno ang puso mo ng mga gustong mong ipahatid sa Diyos, minsan hindi ka makapagsalita, at kaya manatili ka lang sa kanyang presensya. Makikita ka niya doon, at babasbasan niya ang iyong katahimikan. At siguro iuunat niya ng kanyang kamay upang abutin ka, samahan ka sa paglakad, kausapin ka, gabayan kang mahinahon sa halamanan ng kanyang pag-ibig. ...

BASTA MANATILI KA LANG DOON

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 28 Tinatanggap tayo ng Diyos sa kanyang presensya palagi at kahit saan man. Hindi kailangang maghintay hanggang umaapaw sa salita ang puso o batbat ng pasakit ang kaluluwa bago tayo lumapit sa kanya. Sapat nang magtungo ka lang doon. Kahit wala kang sasabihin o walang masambit, okey lang iyon. Ang mahalagang dahilan sa paglapit sa presensya ng Panginoon ay ang pagkilala sa kanya at pag-aalay ng dangal na nararapat sa kanya. Hindi kailangan ang mga salita para dito. Kailangan lamang ay manatili doon, hayaang magsalita ang mismong presensya natin tungkol sa anumang pinakamalalim sa ating kaluluwa. Siya ang ating Diyos, at tayo’y mga nilalang niya. Ang kaluluwa natin ay yumuyuko sa harapan niya bilang parangal at papuri, naghihintay ng kanyang kalooban para sa atin. Isipin mo kung paano ang mga pulitiko at iba pa ay dumadalaw sa kanilang mga p...

TUMAYO KA MULI, PERO DAHAN-DAHAN LANG

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 27 Bakit nagugulat ka kung ang mga mahina ay nagiging mahina, ang mga marupok ay nagiging marupok? Kung ikaw ay nagiging makasalanan? Kapag nadapa ka, maging malumanay at banayad sa iyong mahina at marupok na puso. Tumayo ka dahan-dahan, tanggapin ang pagkakamali, na hindi nalulunod sa iyong kahinaan. Tanggapin mong may sala ka sa mata ng Diyos. At may magandang intensyon, may lakas ng loob at tiwala sa kanyang awa, magsimula ka muli. Malaking tukso na itatwa mo pati iyong sarili, gamit ang masasakit na salita at lalo na, masasakit na damdamin. Pero hindi naman magandang saktan mo ang sarili mo. Sa halip, buuin mo ang iyong kaluluwa muli, malumanay, mahabagin, nag-iisip ng tama. Sabihin mo sa puso mo: “Bumangon kang muli sa bagong pagkakataon. Magtiwala ka sa awa ng Diyos, upang makatayong mas malakas sa kinabukasan. Huw...