FASTING O PAG-AAYUNO AYON KAY SAN FRANCISCO DE SALES
Ito lahat ang nais kong sabihin
tungkol sa pag-aayuno (fasting) at kung ano ang dapat tupdin upang
makapag-ayuno nang maayos.
Ang una, ang pag-aayuno ay dapat
buo at pangkalahatan; ibig sabihin, lahat ng bahagi ng katawan at lakas ng
kaluluwa ay dapat mag-ayuno: itutok pababa ang tingin o kaya tumingin na mas
mababa kaysa sa karaniwang ginagawa; manatiling mas tahimik, o kaya gawin ito
mas madalas kaysa kinaugalian; magsakripisyo ng tainga at dila upang huwag nang
makarinig o makapagsalita ng anumang mayabang o walang-silbi; ang pang-unawa
upang alalahanin ang mapapait o malulungkot na bagay at iwasan ang mga masasaya
at kaaya-ayang kaisipan; magpigil sa sarili at dalhin ang espiritu sa paanan ng
krus sa tulong ng mga banal at mapighating kaisipan. Kapag ginawa mo ito, ang pag-aayuno
ay magiging pangkalahatan, panloob at panglabas, dahil nagsasakripisyo ang katawan
at espiritu.
Ang ikalawang kundisyon ay huwag
gawin ang pag-aayuno o kumilos ng anuman para sa mga mata ng ibang tao.
At ang ikatlo ay gawin ang lahat
mong mga kilos, at lalo na ang pag-aayuno sa ikaliligaya ng Diyos lamang, na
siyang nararapat sa parangal at luwalhati magpakailanman.