HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)





ANG BANAL NA MISA


PAMBUNGAD NA AWIT


Pari:   Sa ngalan ng Ama, at ng anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

P.        Sumainyo ang Panginoon.

B.        At sumainyo rin.

P.        Mga kapatid, aminin nating ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat sa pagdiriwang ng banal na paghahaing ito.

            Sinugong Tagapagpagaling sa mga nagsisisi,
            Panginoon, kaawaan mo kami.

B.        Panginoon, kaawaan mo kami.

P.        Dumating na Tagapag-anyayang mga makasalana’y magsisi,
            Kristo, kaawaan mo kami.

B.        Kristo, kaawaan mo kami.

P.        Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami
            Panginoon, kaawaan mo kami.

B.        Panginoon, kaawaan mo kami.

P.        Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
            Patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
            At patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

B.        Amen.

GLORIA/ LUWALHATI (Linggo at mga pista)

Papuri sa Diyos sa kaitaasan
At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya
Pinupuri ka namin
Dinarangal ka namin
Sinasamba ka namin
Ipinagbubunyi ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan
Panginoong Diyos Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
maawa ka sa amin
Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.


ang kabuuan ng Misa ay matutunghayan sa bagong website; i-click lamang - https://www.ourparishpriest.com/2018/12/holy-mass-in-filipino-tagalog/
 

Popular posts from this blog

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS