SAAN PINAKA-DELIKADO MAGING KRISTIYANO AT KATOLIKO?
Sa nakalipas na taong 2022, napag-alaman ng NGO na Open Doors na napakaraming mga Kristiyano, kapwa Protestante at Katoliko, ang pinapahirapang magsabuhay ng pananampalaya at tinutuligsa dahil sa kanilang pagsunod sa ating Panginoong Hesukristo.
Mahigit 5,000 ang pinatay dahil sa pagiging Kristiyano.
Mahigit 4,000 ang inaresto dahil silay ay Kristiyano.
Mahigit 2,000 simbahan ang sinira ng mga galit sa mga Kristiyano.
312 milyong Kristiyano sa buong mundo ang nakakaranas ng pagtuligsa sa pananampalataya.
Nangunguna ang 7 komunistang mga bansa sa ganitong gawain laban sa mga Kristiyano: North Korea, Eritrea, China, Vietnam, Cuba, Laos, Nicaragua.
Nangunguna din ang 8 bansang Muslim sa pagtulisa sa mga Kristiyano: Somalia, Yemen, Afghanistan, Libya, Nigeria, Pakistan, Iran at Sudan.
Ang dahilan ng pagtuligsa sa mga Kristiyano ay pulitika lalo na sa mga bansang Komunista, at relihyon, dahil sa mga Muslim na radikal at pundamentalista.
Habang nagpapasalamat tayo sa Diyos sa biyaya ng kalayaang magpahayag ng ating pananampalataya dito sa Pilipinas, alalahanin naman din natin ang mga kapatid natin sa ibang bansa na nais sumunod sa Panginoong Hesus nang malaya at mapayapa. Ipagdasal natin sila Mahal na Birhen at kay San Jose.
#ourparishpriest 2023
Comments