IKA-ANIM NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A  

 


MAY MATA ANG EBANGHELYO

MT. 5: 17-37

 


(maaari ninyo na din po itong mabasa sa ating bagong website - hindi pa fully constructed pero nagsisimula na - https://www.ourparishpriest.com/ ; bisitahin po ninyo at nang maging pamilyar kayo sa magiging bagong disenyo at ayos ng ating mga pagninilay sa mga darating na taon! Salamat sa Diyos! salamat din po sa inyo! God bless po!)

 

Naging kontrobersyal ang dating Santo Papa na si St. John Paul II nang magturo siya na kapag pinilit ng isang lalaki ang kanyang asawa na makipagtalik sa kanya na labag sa kalooban nito, ito ay pangangalunya. Hindi makapaniwala ang iba. Paano mangyayari iyon e kasal naman sila? Nagalit ang iba pa. Ano ang karapatan niyang husgahan ang isang tagpong pribado sa mag-asawa lamang?

 

May mata ang ebanghelyo. Ang mga salita ng Panginoong Hesus ay nagbibigay ng bagong paraan ng pagtingin sa mga bagay. Kung saan ugali nating tumutok lamang sa pang-ibabaw, ang ebanghelyo naghahalungkat sa ilalim. Kung saan ugali nating tumaban sa batas, ang ebanghelyo naman ang nagsasaliksik ng kahulugan sa likod nito. Malinaw na sinabi ng Panginoon: hindi siya naparito upang wasakin ang batas kundi upang gawin itong ganap. Ibig sabihin, tuklasin ang mas malawak, mas mayabong, mas malalim na direksyon kung saan itinuturo tayo ng batas.

 

ang kabuuan ng pagninilay ay narito: https://www.ourparishpriest.com/2023/02/ika-anim-na-linggo-ng-karaniwang-panahon-a/


 #ourparishpriest 2023

 

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

LA PURISSIMA CONCEPCION, STA. MARIA, BULACAN