Posts

Showing posts with the label LENT

ANO ANG KUWARESMA - MGA MATERYAL (RESOURCES)

Image
    ASH WEDNESDAY/ MIYERULES NG ABO     https://www.ourparishpriest.com/2020/02/ash-wednesday-may-dumi-ka-sa-noo/ at   https://www.ourparishpriest.com/2015/02/miyerkules-ng-abo/ at https://www.ourparishpriest.com/2015/02/ash-wednesday/       ANG POWER NG "ACT OF CONTRITION" O PANALANGIN NG PAGSISISI    https://www.ourparishpriest.com/2021/03/ang-power-ng-act-of-contrition-o-panalangin-ng-pagsisisi-tagalog/     KASALANAN AT KAHINAAN: ANO ANG GAGAWIN KUNG NAHULOG O NADAPA?    https://www.ourparishpriest.com/2022/02/kasalanan-at-kahinaan-ano-ang-gagawin-kung-nadapa-o-nahulog-dito/         MODERNONG FASTING AT ABSTINENCE: SUGGESTIONS   https://www.ourparishpriest.com/2020/02/modernong-fasting-at-abstinence-suggestions-lang-naman/       FASTING O PAG-AAYUNO AYON KAY SAN FRANCISCO DE SALES   https://www.ourparishpriest...

TUNGKOL SA FASTING

  PAKAININ DIN ANG KALULUWA   Napakaraming namamatay sa kanser at sakit ng puso ngayon dahil sa maling kinagawian. Paninigarilyo, sobrang kain, konting exercise ang papatay sa atin. Dahil kulang sa pagpipigil, tayo ang nagdudulot ng paghihirap sa sarili. Ang laki ng negosyo ngayon ng gamot, babasahin sa pagdi-diyeta at sa membership sa mga gym pero kulang pa din ang disiplina ang mga tao.   Sa panahong sobra ang konsumerismo nakalimutan na ang halaga ng espirituwal na pagpipigil ng sarili na importante sa mga relihyon tulad ng Kristiyanismo, Hinduismo, Islam at Budismo. Ang kawalan ng disiplina sa sarili ang dahilan ang madaling pagpanaw sa mundo. Ang mga laging nage-exercise ay mas malaki ang tsansang humaba ang buhay. Ang sobrang pasarap sa sarili at kawalang disiplina naman ang kikitil sa atin. Karamihan sa mga relihyon ay nagtuturo na ang pagpipigil ng sarili sa pagkain at inumin ay mahalaga. Ang fasting o pag-aayuno at ritwal na disiplina sa pa...

ANG DAAN NG KRUS PARA SA KAPAYAPAAN AT PAGHILOM

Image
  (image, thanks to the internet) MGA MAIIKLING PAGNINILAY   Sa harap ng Diyos, kasama ang Mahal na Birhen at ang mga anghel at mga banal, makibahagi tayo sa Daan ng Krus para sa kapayapaan at paghilom (peace and healing). Kailangang kailangan natin ang mga ito ngayon. Nawa ang kapayapaan at paghilom ng Espiritu Santo ang manahan sa ating puso. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.   ANG UNANG ISTASYON: SI HESUS AY HINATULAN NG KAMATAYAN   Sinasamba ka namin, O Kristo, at pinupuri ka namin. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong banal na krus ay tinubos mo ang mundo.   Panginoong Hesus ibinahagi mo po sa amin mula sa iyong puso ang mga kataga ng kapayapaan at pag-asa at mula sa iyong mga kamay ang gawain ng paghilom sa aming mga sakit at karamdaman. Pawiin nawa ng iyong pagmamahal ang aming takot, at wasakin nawa ng iyong kapayapaan ang mga alitan at digmaan sa aming buhay. Sa pagsunod namin sa iyo sa daan tungo ...

MGA PAGNINILAY SA KAHULUGAN NG MGA MAHAL NA ARAW

Image
   PAANO BA UUNAWAIN ANG MGA MISTERYO NG PANANAMPALATAYA NGAYONG HOLY WEEK?   Pakinggan/ panoorin ang ilang mga pagninilay sa Youtube sa ibaba tungkol sa mga hiwagang kaugnay ng ating pagdiriwang ng Holy Week. Ang mga ito ay batay sa mga aral ni Joseph Ratzinger (Pope Benedict XVI): PINAGPAKASAKIT NI PONCIO PILATO,  IPINAKO SA KRUS, NAMATAY, INILIBING https://www.youtube.com/watch?v=m678WP9fTCU&list=PLB__aM-7Rm9xI5daspqTJfQHwAl89CniG&index=5 NANAOG SA KINAROROONAN NG MGA YUMAO https://www.youtube.com/watch?v=7SeeTYmpJws&list=PLB__aM-7Rm9xI5daspqTJfQHwAl89CniG&index=6 NANG IKATLONG ARAW, NABUHAY MAG-ULI https://www.youtube.com/watch?v=YL4vWIExY3g&list=PLB__aM-7Rm9xI5daspqTJfQHwAl89CniG&index=7 UMAKYAT SA LANGIT, NALULUKLOK SA KANAN NG AMA https://www.youtube.com/watch?v=RoeMvfNrJ50&list=PLB__aM-7Rm9xI5daspqTJfQHwAl89CniG&index=8   DOON MAGMUMULA, PARIRITO AT HUHUKOM... https://www.youtube.com/watch?v=DJfI0_B51rM&list=PLB__aM-7R...

ANG DAAN NG KRUS SA PANAHON NG CORONA VIRUS

Image
PAMBUNGAD Luwalhatiin natin sa Krus si Hesus. Iniligtas niya tayo’t pinalaya Sa pamamagitan niya natagpuan ang kaligtasan, Buhay at pagkabuhay. PAGHAHANDA Ihanda ang sarili sa panalangin. Ilagay ang sarili sa harapan ng Diyos na handang sumama sa kanyang Anak sa daan ng Kanyang hirap, kamatayan at kaluwalhatian. Ialay sa kanya ang anumang tila nakababagabag sa iyo na maaring makasagabal sa iyong pananalangin upang higit itong maging makahulugan sa iyo. Ihingi ng tawad and anumang pagkukulang o pagkakasalang maalaala sa sandaling ito. Katahimikan PANALANGIN Panginoon, kakaiba ang Kuwaresmang ito. Gaganapin namin ang karaniwang mga pagdiriwang halos lahat sa loob ng aming tahanan. Panonoorin namin ang mga pagdiriwang sa simbahan mula sa aming mga telebisyon at computer. Mangungulila kami sa mga nakaugaliang makulay at makabuluhang ritwal, prusisyon, pabasa at Visita Iglesia. Lahat ng ito ay dah...