Posts

Showing posts with the label SAINT

SAINTS OF FEBRUARY: SAN POLICARPIO

Image
PEBRERO 23 SAN POLICARPIO, OBISPO AT MARTIR A. KUWENTO NG BUHAY May mga santo na tinatawag sa simbahan ng Fathers of the Church o Mga Ama ng Simbahan.   Ang mga taong ito ang tila tulay sa pagitan ng pamayanang Kristiyano noong panahon nabubuhay pa ang mga apostoles (tinatawag din na biblical church o biblical period) at sa panahon ng batam-bata pa at nagsisimulang simbahan (tinatawag ding apostolic church o apostolic period), matapos ang kamatayan ng mga apostoles. Ang mga Fathers of the Church ay mga disipulo ng mga apostoles at sila ang nagpatuloy ng aral ng mga apostoles nang mamatay ang mga ito.   tunghayan ang kabuuan dito sa ating bagong website: https://www.ourparishpriest.com/

SAINTS OF FEBRUARY: LUKLUKAN NI SAN PEDRO ( CHAIR OF ST. PETER )

Image
PEBRERO 22 KAPISTAHAN NG LUKLUKAN NI APOSTOL SAN PEDRO     A. KUWENTO NG BUHAY Tila katawa-tawa ang pamagat ng kapistahang ito dahil hindi diretsong tumutukoy sa isang tao kundi sa isang bagay.   Nagpupugay nga ba tayo sa isang “luklukan” o isang upuan o silya lamang.   Sa Ingles, ang tawag sa pistang ito ay Feast of the Chair of Peter.   Bakit kailangang ipagdiwang ang isang upuan o silya?   At totoo bang upuan ito ni San Pedro Apostol?       tunghayan ang kabuuan dito sa ating bagong website: https://www.ourparishpriest.com/

SAINTS OF FEBRUARY: SAN PEDRO DAMIAN

Image
PEBRERO 21 SAN PEDRO DAMIAN, OBISPO AT PANTAS NG SIMBAHAN     A. KUWENTO NG BUHAY Isang iginagalang na pantas ng simbahan itong si San Pedro Damian. Doon sa Ravenna sa Italy siya ipinanganak taong 1007.   Sa simula pa lamang nagpakita na siya ng kakaibang talino at galing. Kaya nga matapos ang kanyang pag-aaral naging propesor siya sa unibersidad sa murang edad na 21. Pagkatapos ng pitong taon lamang sa pagtuturo, ay iniwanan ni San Pedro Damian ang kanyang gawaing ito upang subukan ang buhay ermitanyo sa lugar na tinaguriang Fonte Avellana sa Italy.   Nais niyang ihandog ang buhay sa pagsasakripisyo at panalangin. tunghayan ang kabuuan dito sa ating bagong website: https://www.ourparishpriest.com/

SAINTS OF FEBRUARY: PITONG TAGAPAGTATAG

Image
PEBRERO 17 ANG PITONG TAGAPAGTATAG NG ORDEN NG MGA LINGKOD NG MAHAL NA BIRHENG MARIA MGA NAMANATA SA DIYOS       A. KUWENTO NG BUHAY Ang sinasabing Orden sa titulo ng artikulong ito ay ang “Order of the Servants of Mary” o “Servites” kung sa maigsing pangalan. Kakaiba sa mga religious orders o congregations na itinatag ng isa o dalawa mang katao, ang order na ito ay itinatag ng pitong katao, pitong kalalakihan. Silang pito ay mga magkakaibigan, siguro parang barkada sa wika natin ngayon. At talagang maganda ang pinagsamahan ng mga magkaka-barkadang ito dahil dinala sila ng kanilang ugnayan sa tunay na kabanalan ng buhay.   Ang pitong lalaking ito ay kasapi sa isang samahan na nagbibigay pugay sa Mahal na Birhen, ang “Confraternity of the Blessed Virgin Mary.” Silang lahat din ay mula sa Florence sa Italy, sa mga maaayos at kilalang pamilya.   tunghayan ang kabuuan dito sa ating bagong website: https://www.ourparishpriest.com/

SAINTS OF FEBRUARY: SAN CLAUDE DE LA COLOMBIERE, SJ

Image
PEBRERO 15 SAN CLAUDE DE LA COLOMBIERE, SJ, PARI     A. KUWENTO NG BUHAY Mababakas natin sa buhay ng santong si San Claude de la Colombiere ang maingat at mahiwagang pagkatha ng Diyos sa buhay ng tao.   Sino ang mag-aakala na si San Claude pala ay tugon sa panalangin ng isa pang taong naghihintay sa kanyang pagdating?   Isa siyang answered prayer wika nga natin ngayon, na may misyon na itataguyod at pagyayamanin.   Tunghayan natin kung paano ito naganap.   continue by clicking link to new website: https://www.ourparishpriest.com/

SAINTS OF FEBRUARY: SAN CIRILO AT SAN METODIO

Image
PEBRERO 14 SAN   CIRILO, MONGHE, AT SAN METODIO, OBISPO       A. KUWENTO NG BUHAY Tulad ni Santa Escolastica at San Benito, magkapatid din ang mga santong ating pinararangalan ngayon sa ating kalendaryo ng simbahan.   Mula sa Tessalonika sa bansang Greece ang magkapatid na Constantino at Miguel.   Naging isang pari si Constantino at binago ang kanyang pangalan sa Cirilo nang siya ay pumasok bilang isang monghe sa Roma bago siya mamatay.   Tinanggap niya ang isang magandang edukasyon sa Constantinople at doon din naisipang magpari. Pagkatapos na maging isang ganap na pari, una siyang naglingkod sa Constantinople (ngayon ay Istanbul, Turkey) kung saan nagturo siya ng pilosopiya. ang kabuuan ng salaysay ay narito: https://www.ourparishpriest.com/2023/02/saints-of-february-san-cirilo-at-san-metodio/

SAINTS OF FEBRUARY: OUR LADY OF LOURDES

Image
PEBRERO 11 MAHAL NA BIRHENG MARIA NG LOURDES (PANDAIGDIGANG ARAW PARA SA MGA MAY KARAMDAMAN)   (maaari ninyo na din po itong mabasa sa ating bagong website - hindi pa fully constructed pero nagsisimula na -  https://www.ourparishpriest.com/ ; bisitahin po ninyo at nang maging pamilyar kayo sa magiging bagong disenyo at ayos ng ating mga pagninilay sa mga darating na taon! Salamat sa Diyos! salamat din po sa inyo! God bless po!) A. KUWENTO NG BUHAY Napakaraming mga tao, kabilang ang mga Pilipino, ang pinapangarap na makarating sa Lourdes sa France upang dalawin ang banal na dambana ng Mahal na Birheng Maria ng Lourdes.   Marami ang dumadalaw taun-taon upang humingi ng kagalingan mula sa iba’t-ibang karamdaman ng kanilang katawan.   Subalit higit na marami ang nakakaranas doon ng katiwasayan at kapayapaan ng kanilang kaluluwa at damdamin. At kahit na hindi tayong lahat makakarating sa Lourdes bilang bahagi ng isang pilgrimage, sa mga bak...

SAINTS OF FEBRUARY: SANTA ESCOLASTICA

Image
PEBRERO 10 SANTA ESCOLASTICA, DALAGA       A. KUWENTO NG BUHAY Mula pa sa unang aklat ng seryeng ito (pang-Adbiyento hanggang Bagong Taon), alam na natin na may mga magkakaibigan na nagiging santo o mga magkakapatid o magkakapamilya na nagiging santo. Pero kakaiba ang relasyon ni Santa Escolastica at ng kanyang kapatid.   Silang dalawa ay ipinanganak na kambal. Kambal na santo at santa sa iisang pamilya! Si Santa Escolastica at ang kanyang kapatid na si San Benito (St. Benedict) ay ipinanganak sa Nursia, sa Italy noong taong 480.   Sa simula pa lamang ng kanyang buhay ay nais na niyang ialay ang buong sarili upang maging handog na malinis at marapat para sa Diyos.   habang ang kanyang kapatid na si San Benito ay nag-aaral   sa Roma, si Santa Escolastica naman ay naiwang kasama ng kanilang ama sa bahay. Makikila natin si San Benito sa sarili niyang kapistahan. Pero mainam na banggitin na dito na si San Benito ang iti...

SAINTS OF FEBRUARY: SANTA JOSEFINA BAKHITA

Image
PEBRERO 8 SANTA JOSEFINA BAKHITA, DALAGA     A. KUWENTO NG BUHAY Napakaganda ng kuwento ng buhay ni Santa Josefina Bakhita, isang babaeng nagmula sa Africa at nagsabog ng halimuyak ng kabanalan sa Europa kung saan ipinadpad siya ng tadhana ng kanyang buhay. Ipinanganak si Santa Josefina sa bansang Sudan noong 1870 (1869 naman sa ibang aklat). Hanggang sa panahon natin ngayon, ang bansang ito ay dumaranas ng kaguluhan na sanhi ng paghihirap ng mga mamamayan doon. Isang matagal na civil war ang nagbigay ng maraming sakit at kamatayan sa mga taga-Sudan. Nahati ang bansa sa North Sudan at South Sudan pero hindi pa rin natigil ang away at giyera ng mga tao doon.   Noong bata pa si Santa Josefina ay dinukot o ninakaw siya ng mula sa kanyang pamilya ng mga taong nagbebenta ng mga batang Africano para maging alipin.   Sobrang paghihirap ang dinanas niya sa kamay ng mga kidnappers na nakalimutan niya mismo ang kanyang pangalang bigay sa ka...

SAINTS OF FEBRUARY: SAN JERONIMO EMILIANI

Image
PEBRERO 8 SAN JERONIMO EMILIANO, PARI     A. KUWENTO NG BUHAY Nakakaawang pagmasdan ang mga batang naulila ng pagkamatay ng kanilang mga magulang.   Kaya nga lagi tayong pinaaalalahanan ng Panginoon sa Bibliya na maging mabuting loob sa mga ulila at sa mga balo o biyuda dahil kailangan nila ng tulong at suporta sa kanilang buhay.   Ang santo sa araw na ito ay isang regalo ng Diyos sa mga ulila kaya nga tinawag siyang patron saint ng mga ulila at mga itinapon o iniwanan na mga bata. Si San Jeronimo ay mula sa Venice, sa Italy, galing siya sa isang pamilyang may dugong bughaw o mataas ang antas ng pamumuhay. Ipinanganak siya noong 1486. Naging isang sundalo si San Jeronimo at nagpakita siya ng gilas sa pagtatanggol sa kanyang bayan laban sa mga kaaway.   Siya ay nakulong nang sandaling panahon pero naniniwala siyang nakalaya siya dahil sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birheng Maria.   Dito nagsimula ang malalim na debosyo...

SAINTS OF FEBRUARY: MGA MARTIR NG JAPAN

Image
PEBRERO 6 SAN PEDRO BAUTISTA, SAN PABLO MIKI AT MGA KASAMA, MGA MARTIR     A. KUWENTO NG BUHAY Sa kalendaryo ng pandaigdigang simbahan, ang pinuno ng mga martir sa Japan ay itinuturing na si San Pablo Miki.   Sa ating bansa ay si San Pedro Bautista ang unang nakalista sa mga martir na ito.   Malalaman natin mamaya ang dahilan nito. Nakarating ang Kristiyanismo sa Japan at maraming mga tao doon ang nagpabinyag at sumapi sa bagong pananampalataya.   Si San Pablo Miki ay isinilang sa Japan sa pagitan ng mga taong 1564-1566.   Nagpari si San Pablo Miki bilang isang Heswita ( o Jesuits, ang grupong itinatag ni San Ignacio ng Loyola).   Nakatulong siya sa paglago ng pananampalataya sa Japan dahil sa kanyang matagumpay na pangangaral ng Mabuting Balita. Biglang sumiklab ang pagtuligsa sa mga Kristyano dahil sa iba’t-ibang kadahilanan at naging marahas ang kilos laban sa mga mananampalataya.   Inaresto si San Pablo ...

SAINTS OF FEBRUARY: SANTA AGATA

Image
PEBRERO 5 SANTA AGATA (AGUEDA), DALAGA AT MARTIR     A. KUWENTO NG BUHAY Una nating nakatagpo si Santa Agata sa buhay ni Santa Lucia, sa unang aklat ng talambuhay ng mga banal sa seryeng ito (tingnan ang aklat para sa Adbiyento hanggang Bagong Taon).   Si Santa Lucia ay nagkaroon ng inspirasyon na ialay ang buong buhay sa Panginoon dahil sa isang pangitain kung saan nakita ni Santa Lucia si Santa Agata habang papunta siya upang mag-debosyon sa kanyang dambana sa Catania, Italy.   Kaya heto na naman at makikita natin na may kaugnayan ang mga santo sa isa’t-isa.   Kaya nga may kaugnayan din sila sa atin magpa-hanggang ngayon, tulad din na may koneksyon tayo sa isa’t-isa bilang magkakapatid kay Kristo. Kakaunti ang alam natin tungkol sa aktwal na buhay ni Santa Agata bagamat isa siya sa mga pinaka-bantog na santa sa maagang kasaysayan ng simbahan. Ang pagdakila sa kanya ay napakatagal nang bahagi ng pananampalataya. Nati...

KAY SAN BLAS PARA SA KARAMDAMAN NG LALAMUNAN (THROAT PROBLEMS) AT IBA PANG KARAMDAMAN

Image
Mahal na San Blas Pastol na mapagmahal sa mga kaluluwa Inako mo ang mabibigat na krus ng buhay Bilang matapat na pagsunod kay Hesus. Gayundin tulad Niya, buong awa at habag Na pinagaling mo ang mga nagdurusa. Pagkatapos ng maraming pahirap Ng iyong mga kaaway, pumanaw ka bilang martir para sa Panginoon. Ipagkaloob mo po sa akin ang Kagalingang ito na aking hinihiling Para sa sakit ng lalamunan at iba pang karamdaman (banggitin ang kahilingan) kung ito ay ayon sa kalooban ng Diyos. Amen.

SAINTS OF FEBRUARY: SAN BLAS

Image
PEBRERO 3 SAN BLAS, OBISPO AT MARTIR       A. KUWENTO NG BUHAY Kilala siya ng mga may karamdaman sa lalamunan dahil siya ang patron saint laban sa mga sakit tulad ng laryngitis, pharyngitis, sore throat, vocal cord polyps at kahit na throat cancer .   Siya si San Blas isang obispong naging sikat na tagapagdasal ng mga taong may sakit. Hindi masyadong marami ang alam natin tungkol sa buhay ni San Blas at karamihan sa nakarating sa atin na impormasyon ay mula sa mga popular na kuwento tungkol sa kanyang mga milagro at mapaghimalang pagkilos sa buhay ng mga may debosyon sa kanya. Si San Blas ang dating obispo ng Sebaste sa Armenia, isa sa mga unang bansang yumakap sa pananampalatayang Kristiyano. Ang bansang ito din ay nakilala sa sobrang paghihirap na dinanas ng mga tao ng dahil sa pagtatanggol sa kanilang pananampalataya.   Ang mga Armenians ay matatag na mga Kristiyano na may mahabang tradisyon ng pagiging martir o mga sak...