EPIFANIA/ TATLONG HARI/ PAGPAPAKITA NG PANGINOON A
KAPWA MAHALAGA ANG SIMPLE AT ANG MATALINO Mt. 2: 1-12 Dalawang grupo ang nakakita sa bagong silang na Hari, sa Mesiyas ng Israel at ng daigdig. Dalawang grupong hindi pantay, at hindi pareho, sa unang tingin. Ang unang grupo ay ang tropang pastol. May lugar sa Israel na tinatawag na Bukid ng mga Pastol, kung saan daw nakita ng mga pastol ang anghel na nagbalita ng pagsilang ng Panginoon. Simple ang mga pastol, at minsan daw ay basagulero pa. Subalit nang makita ang Sanggol na Hesus, nakita nila ang mukha ng Diyos at nagbago sila. Ang ikalawang grupo ay ang tropang Pantas. Edukado, marurunong, at kagalang-galang kaya minsan tinatawag din silang Tatlong Hari. Tulad ng mga pastol na iniwan ang kawan, iniwan din nila ang kanilang mga bayan para maglakbay at maghanap. Kahit walang anghel, ang mahiwagang tala ang sinundan at pinag-aralan nila. Nang makita ang Batang Hesus, nanalig silang nakaharap na nila ang Diy...