KAPAYAPAAN NG ISIP AT PUSO: PART 9
TEMA 9: MABUHAY SA KASALUKUYAN UPANG MAGKAROON NG KAPAYAPAAN PANALANGIN Umayos tayo sa ating pagkaka-upo at ituong ang pansin sa oras na ito ng pagninilay at huminga nang dahan-dahan. Buong paniniwala nating isipin na nakatitig sa atin ang Diyos, ang Ama na laging nagmamahal sa atin. Anyayahan natin siya sa ating puso. Damahin natin sandali ang kanyang presensya. Sa ngalan ng Ama… O Espiritu Santo, ikaw ang liwanag, ang mang-aaliw, halina at maging gabay ko sa sandali ng pagninilay at panalangin para sa kapayapaan. Ipadama mo po sa akin ang ganda at lalim ng iyon pagmamahal. Halina, Panginoon, at itatag mo sa aking puso ang kapayapaan at gawin mo akong kasangkapan sa pagpapalaganap nito sa aking paligid. Amen. REFLECTION 9 Narito na ang huling pananaw o saloobin na nagdadala ng kapayapaan. Ito ay ang “pamumuhay sa kasalukuyang panahon.” Malaking kalaban ng kapayapaan n...