DAKILANG KAPISTAHAN NG KRISTONG HARI K
SINO ANG KARAPAT-DAPAT SA HARI? LK 23: 35-43 May mga taong hindi karapat-dapat magkaroong ng hari. Iyong mga tingin sa sarili ay mataas pa sa hari, hindi karapat-dapat magkaroon ng hari. Tulad ng mga pinuno ng mga Hudyo sa ebanghelyo ngayon. “Iniligtas niya ang iba…” pero hindi niya kami kayang iligtas. “Iniligtas niya ang iba” pero wala kaming pakialam. “Iniligtas niya ang iba,” pero hindi namin siya kailangan dahil masaya, kuntento at sapat na ang aming buhay. Ang mga pinuno ng mga Hudyo ay siguradong hindi nila kailangan ang hari dahil masaya silang walang hari. Iyong mga naghahanap ng pruweba ng kapangyarihan ng hari ay hindi din karapat-dapat magkaroon ng hari. “Kung ikaw ang hari…” ipakita mo muna ang galing mo. “Kung ikaw ang hari,” bulagain mo kami. “Kung ikaw ang hari,” kumbinsihin mo kami bago kami bumilib sa iyo. Ang mga sundalo ay naghihintay ng hari pero gusto nila ay isang hari na sasakto sa kanilang...