KATANUNGAN MULA SA ISANG KASAPI NG IGLESIA NI CRISTO
Ang sumusunod ay translation ng isang open-letter na inilathala ng Rappler tungkol sa isang kasapi ng INC na namumulat ang mata sa mga kinakailangang pagbabago at mga dapat sagutin at ayusin sa kanilang iglesia. Baka makatulong ito sa mga Katolikong nahihikayat ng mga INC na sumapi sa kanila. Magandang salamin din ito ng mga katuruan at gawain ng sinasabing grupo. Mga Tanong mula sa kasapi ng Iglesia ni Cristo (salin sa Tagalog) Disyembre 12, 2022 J. Joaquin “Bakit kailangang matamo natin ang kaligtasan sa kabilang buhay habang ginagawa naman nating impiyerno ang buhay para sa iba?” Ang sanaysay na ito ay para sa mga kabataan na nasa Iglesia Ni Cristo (INC), mga kasaping nagmamalasakit, at mga nagmamatyag na hindi kasapi. Ang layunin ay upang simulan ang talakayan tungkol sa nagpapatuloy na krisis ng INC na hindi maaaring isantabi, at kung paano malalampasan ito. Sa pagdaan ng mga taon, sa pagmamatyag at pakikiisa sa mga gawain ng igles...