Posts

Showing posts with the label VIRGIN MARY

APARISYON NI MAMA MARY SA CABRA, LUBANG ISLAND, MINDORO?

Image
    NOTE: (maaari ninyo na din po itong mabasa sa ating bagong website - hindi pa fully constructed pero nagsisimula na -  https://www.ourparishpriest.com/ ; bisitahin po ninyo at nang maging pamilyar kayo sa magiging bagong disenyo at ayos ng ating mga pagninilay sa mga darating na taon! Salamat sa Diyos! salamat din po sa inyo! God bless po!)   MAY APARISYON BA SA CABRA, LUBANG ISLAND SA MINDORO?   December 6, 1966 nang mapabalitang nagpapakita ang Mahal na Birheng Maria noon sa maliit na isla ng Cabra, sa Lubang island sa Mindoro.   Isang grupo ng mga elementary students mula sa Cabra Elementary School and nagsabing nakakita sila ng isang magandang babae na nababalot ng liwanag, laging nakangiti, may suot na putting mahabang damit at asul na sinturon sa kanyang baywang at nakalutang sa hangin.   Nagpakilala ang babae bilang ang Imaculada Concepcion. Nagpakita sa kanila ang babae sa isang mabatong lugar na kung tawag...

MALIGAYANG KAARAWAN, MAHAL NA BIRHENG MARIA! (ISANG PAGBATI)

Image
    (TUWING SETYEMBRE 8)   Maligayang kaarawan aming Ina at Reyna!   Lubhang kaaya-aya O Birheng Maria. Sa anumang sala, ikaw ay malaya, Sa Herusalem luwalhati ka, sa Israel, galak at sigla!   Dangal ka ng buong bayan, At takbuhan ng mga makasalanan, O Maria, Birheng lubhang maalam!   O Maria, Inang mahabagin, Kay Kristong Panginoon,   Kamiy isamo at ipanalangin. Amen.

SINO SI MARIA / ANG MAHAL NA BIRHEN - MGA MATERYAL (RESOURCES)

Image
      MAHAL NA BIRHENG DEL CARMEN https://ourparishpriest.blogspot.com/2018/12/ang-birheng-del-carmen-ng-pulong.html   https://ourparishpriest.blogspot.com/2012/07/0-false-18-pt-18-pt-0-0-false-false_08.html   https://ourparishpriest.blogspot.com/2009/07/powerful-prayer-to-our-lady-of-mt.html   LA PURISSIMA CONCEPCION https://ourparishpriest.blogspot.com/2020/02/mabuhayang-la-purissima-concepcion-ng.html https://ourparishpriest.blogspot.com/2017/10/la-purissima-concepcion-sta-maria.html     MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES https://ourparishpriest.blogspot.com/2015/01/february-11-our-lady-of-lourdes.html     MAHAL NA BIRHEN NG GUADALUPE   https://ourparishpriest.blogspot.com/2014/11/meet-saints-maria-birhen-ng-guadalupe.html   IMMACULADA CONCEPCION   https://ourparishpriest.blogspot.com/2014/11/meet-saints-maria-immaculada-concepcion.html   IMMACULATE CONCEPTION https://ourparishpriest.blogspot.com/2012/12/0-false-18-pt...

SAINTS OF JULY: MAHAL NA BIRHENG MARIA DEL CARMEN

Image
  HULYO 16   MAHAL NA BIRHENG MARIA NG BUNDOK NG CARMELO   A. KUWENTO NG BUHAY   Isa sa pinakalaganap subalit napakasimpleng debosyon sa Pilipinas ang pagsusuot ng brown scapular. Madaling mapansin kung sa leeg ng isang tao ay may naka-kuwintas na brown scapular. Iba’t-iba ang kahulugan ng ganitong kinaugalian para sa iba’t-ibang tao kaya hindi natin matitimbang kung gaano kalalim ang debosyon ng nagsusuot nito sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen.   Ang ating brown scapular ay isang maliit na bersyon ng orihinal at malaking scapular (o balabal sa harap at likod) na ginagamit ng mga Carmelites , o grupo ng mga pari, mongha, brothers at sisters na nagsasabuhay ng Carmelite spirituality ? Ano ba ang Carmelite spirituality at ano ang natatanging lugar ng Mahal na Birheng Maria sa pagsasabuhay nito?   Sa Banal na Kasulatan o Bibliya ay matatagpuan ang pagsasalarawan sa kagandahan ng Bundok ng Karmelo (o Bundok de...

ANG BIRHENG "DEL CARMEN" NG PULONG BUHANGIN, SANTA MARIA, BULACAN

Image
NUESTRA SEÑORA DEL CARMEN Mapalad ang aking pamilya sa bahagi ng aking ina na namuhay sila sa lilim ng kandili at pag-aalaga ng mahal na patron ng Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan. Halos isang hakbang lang ang tahanang kinalakhan ng aking mga kamag-anak sa pintuan ng simbahan ng parokya. Dinig sa lumang bahay ng aking mga lolo at lola noon bawat kampana, bawat Misa at mga debosyon at pati na rin ang kasiyahan ng mga taong nagkukumpulan sa harap ng simbahan. Ang Pulong Buhangin ngayon ang nangunguna sa mga barangay o baryo ng Santa Maria sa larangan ng pag-unlad, karunungan at pananampalataya. Kaugnay ang lahat ng ito ng isang banayad at tahimik subalit matibay at marubdob na debosyon ng mga tao sa Mahal na Birhen ng Bundok Karmelo ( Our Lady of Mt. Carmel ), na kilala ng lahat bilang Nuestra Señora del Carmen. Bukambibig ng mga tao ang “Del Carmen” sa kanilang personal at pampamayanang pamumuhay. Makahulugan ang parokyang ito sa paglago ng debosyon...

BAKIT MAY KALAPATI SA PAANAN NG BIRHEN NG FATIMA?

Image
Noong 1946, ipinagdiwang sa Portugal ang ika-300 taon ng Mahal na Birhen bilang Patrona ng bansa. Napili ang Mahal na Birhen ng Fatima upang maging tampok sa pagdiriwang noong November 23, 1946. Pagkatapos ang imahen o estatuwa, na lulan sa andas na buhat ng mga pari at layko, ay inilibot sa buong bansa hanggang makarating sa Katedral ng Lisbon. Doon, noong Disyembre 8, Dakilang Kapistahan ng Immaculada Concepcion, naganap ang pagpapanibagao ng pag-aalay ng buong bansa sa kanilang dakilang Patrona. Kakaiba ang naganap sa paglilibot ng Mahal na Birhen lalo nang papalapit na sa Bombarral, 40 kilometro mula sa Lisbon. Tinawag itong "Himala ng mga Kalapati" ng Bombarral. Bilang parangal sa Mahal na Birhen, nagpakawala ng 5 kalapati habang pumapasok ang imahen sa mga lansangan ng Bombarral noong Disyembre 1. Sa dami ng mga taong umaawit, hindi halos napansin ang mga kalapati. Nakakagulat ang sumunod na pangyayari. Tatlong kalapati, na sa halip na lumipad palayo ...

FLORES DE MAYO: DALIT KAY MARIA

Image
1. O MARIANG SAKDAL DILAG DALAGANG LUBHANG MAPALAD TANGING PINILI SA LAHAT NG DIYOS HARING MATAAS REF:  ITONG BULAKLAK NA ALAY  NG AMING PAGSINTANG TUNAY PALITAN MO O BIRHENG MAHAL NG TUWA SA KALANGITAN 2. BUWANG ITO’Y MAHALAGA  AT LUBHANG KAAYA-AYA PAGKAT SA IYO SENYORA NAGHAHAIN NG PAGSINTA 3. KAYA KAMI NAPARITO  ABA INANG MASAKLOLO NAGHAHANDOG, PANANAGANO NITONG BULAKLAK SA MAYO HALINA’T MAG-ALAY NG BULAKLAK SA MAHAL NA BIRHENG MARIA, AT MAGDASAL NG SANTO ROSARYO SA BUONG BUWAN NG MAYO! AVE MARIA, PURISSIMA, SIN PECCADO CONCEBIDA! (paki-share para lumago ang Marian devotion ng marami pang iba)

PANALANGIN NG PAGTATALAGA NG RUSSIA AT UKRAINE SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA

Image
PRAYER OF CONSECRATION OF RUSSIA AND UKRAINE  TO THE IMMACULATE HEART OF MARY  (Tagalog translation) (Pope Francis, March 25, 2022)         O Maria, Ina ng Diyos at aming Ina, sa oras na ito ng pagsubok dumudulog kami sa iyo. Bilang aming Ina, minamahal at nakikilala mo kami: walang alalahanin ng aming mga puso ang natatago sa iyo. Ina ng awa, ilang beses nang naranasan namin ang mapaglingap mong aruga at ang mapayapa mong presensya! Walang tigil mong ginagabayan kami tungo kay Hesus, ang Prinsipe ng Kapayapaan.   Subalit nalihis kami sa landas ng kapayapaan. Nakalimutan namin ang aral na natutunan sa mga trahedya ng nakaraang siglo, ang sakripisyo ng milyong mga tao na nasawi sa dalawang digmaang pandaigdig. Nilabag namin ang aming panatang ginawa bilang pamayanan ng mga bansa. Nagtaksil kami sa mga pangarap ng kapayapaan at sa mga pag-asa ng kabataan. Lumala kami sa kasakiman, inisip lamang ang sarili naming bansa at kabutihan, nanlamig kami at ...

FATIMA AT RUSSIA: ANO ANG KAUGNAYAN?

Image
    Sa gitna ng digmaan ng Ukraine at Russia, na dulot ng biglang pananakop ng Russia sa katabing bansa nito na Ukraine nitong 2022, gaganapin ni Pope Francis ang “consecration” ng Russia sa Kalinis-linisang Puso ni Maria ( Immaculate Heart of Mary ) sa Marso 25, 2022, Kapistahan ng Annunciation . Ito ay isang kahilingan ng mga obispo ng Ukraine kay Pope Francis at isa ding pagsunod sa tradisyon ng pagtatalaga ( consecration ) ng mga bansa sa Panginoong Hesus o sa Mahal na Birheng Maria.   Unang naging paksa ang consecration ng Russia sa Immaculate Heart noong panahon ng mga pagpapakita (apparitions) ng Mahal na Birheng Maria sa Fatima noong 1917. Nabanggit ng Mahal na Birhen na nais niyang maitalaga sa kanya ang bansang ito upang maiwasan ang magaganap na pagkakalat nito ng kamalian at karahasan sa mundo (Hulyo 13, 1917).   Nagulat ang tatlong bata ng Fatima na ngayon ay kilala bilang ang magkapatid na sina Santa Jacinta Marto at San ...

BAKIT KATABI NG ROBINSONS GALLERIA ANG EDSA SHRINE

Image
Si Mama Mary, si Cardinal Sin at si John Gokongwei i   (thanks to image from the internet) Kamamatay lamang ni John Gokongwei, ang may-ari ng mga establisyamentong Robinsons sa buong Pilipinas. Si Mr. Gokongwei ay isang Tsinoy na kabilang sa mga pinakayamang tao sa bansa. Sino kaya ang hindi pa nakapasok sa anumang mall ng Robinsons na nagkalat sa mga lungsod at probinsya ng ating bayan? Isa sa kuwentong bayan na nakadikit sa Robinsons ay ang mahiwagang “ahas” diumano na kumakain ng mga saleslady at mga customers ng mall na ito lalo na sa fitting room. Nakakatuwang isipin na kayraming naniwala sa paninira na ito sa mall. Ngayon isa na lamang kinikilalang nakakatuwang alamat-bayan ang kuwento ng sinasabing “ahas” o “taong-ahas” na isa daw sa mga anak ng Gokongwei family. Lingid sa kaalaman ng marami, ang Edsa Shrine, ang munting simbahan na puno ng kasaysayan at debosyon sa panulukan ng Edsa at Ortigas, ay isa sa mga nagawang kabutihan ni Gokon...