ANG BIRHENG "DEL CARMEN" NG PULONG BUHANGIN, SANTA MARIA, BULACAN
NUESTRA SEÑORA DEL CARMEN
Mapalad ang aking pamilya sa
bahagi ng aking ina na namuhay sila sa lilim ng kandili at pag-aalaga ng mahal
na patron ng Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan. Halos isang hakbang lang ang
tahanang kinalakhan ng aking mga kamag-anak sa pintuan ng simbahan ng parokya. Dinig
sa lumang bahay ng aking mga lolo at lola noon bawat kampana, bawat Misa at mga
debosyon at pati na rin ang kasiyahan ng mga taong nagkukumpulan sa harap ng
simbahan.
Ang Pulong Buhangin ngayon ang nangunguna
sa mga barangay o baryo ng Santa Maria sa larangan ng pag-unlad, karunungan at
pananampalataya. Kaugnay ang lahat ng ito ng isang banayad at tahimik subalit
matibay at marubdob na debosyon ng mga tao sa Mahal na Birhen ng Bundok Karmelo
(Our Lady of Mt. Carmel), na kilala
ng lahat bilang Nuestra Señora del Carmen. Bukambibig ng mga tao ang “Del
Carmen” sa kanilang personal at pampamayanang pamumuhay.
Makahulugan ang parokyang ito sa
paglago ng debosyon ng mga tao sa Del Carmen, isang pamimintuho na sa simula ay
nanggaling sa orden relihyoso ng mga Carmelite
Fathers and Sisters, na humugot ng inspirasyon sa mga unang ermitanyo sa Bundok Karmelo sa Israel. Subalit bago pa man dumating sa ating pampang ang mga
Carmelites, nagsimula na ang debosyon
ng mga tao sa Del Carmen sa Pulong Buhangin.
Ang mga parokyano sa Pulong Buhangin, mula sa
pagkakatatag ng kanilang unang bisita (chapel),
ay humango ng kanilang buhay-debosyon mula sa simbahan ng San Sebastian sa
Maynila. Dito nagmula ang munting orihinal na imahen ng Mahal na Patronang Del
Carmen. Ang San Sebastian ang unang simbahang itinalaga sa Birheng Del Carmen dito
sa ating bansa.
Kasama daw na dumating ng imahen ng Birhen sa baryo ang munting imahen ni San Sebastian na isa sa mga kayamanang itinuturing ng parokya. Maaalala na bahagi ng tradisyon na tuwing pista, ang mga imahen ng Del Carmen, San Sebastian at San Roque ay laging magkakasama sa prusisyon.
Kasama daw na dumating ng imahen ng Birhen sa baryo ang munting imahen ni San Sebastian na isa sa mga kayamanang itinuturing ng parokya. Maaalala na bahagi ng tradisyon na tuwing pista, ang mga imahen ng Del Carmen, San Sebastian at San Roque ay laging magkakasama sa prusisyon.
Ang orihinal na imahen ng Birhen ay maliit lamang, gawa sa kahoy at sa garing (ivory) ang mga kamay at ulo. Ang
Sanggol na Hesus ay gawa naman sa garing. Kakaiba ang mukha ng Birhen at ng
Niño na yakap-yakap niya. Mukhang dalagang Kastila ang bikas ng mukha ng
Birhen. Napakaganda nito sa paningin dahil sa kabutihang bakas sa kanyang mga
mata at sa kagalakan naman sa kanyang mga labi.
Nakasuot ng damit na hango sa abito ng Karmelo ang Birhen at ang kanyang Anak at may hawak silang eskapularyong kayumanggi (brown). Mayroon silang mga korona, alahas at sinag sa ulo na mga handog mula sa mga deboto.
Nakasuot ng damit na hango sa abito ng Karmelo ang Birhen at ang kanyang Anak at may hawak silang eskapularyong kayumanggi (brown). Mayroon silang mga korona, alahas at sinag sa ulo na mga handog mula sa mga deboto.
Kasaysayan
Napakaganda ng salaysay kung
paano nakarating sa malayong baryo ng Santa Maria noon ang makasaysayang imahen ng Mahal na
Birhen mula sa Maynila.
Ayon sa sinaunang kuwento, may
isang matandang babae (pinaghihinalaang ang Mahal na Birhen mismo) na lumapit
sa isang mamamayan ng baryo na kilala bilang si “Kunino” at nagbilin dito na
magtayo ng isang bisita (chapel). May
dala ang babae na liham para sa mayamang mag-asawang sina Simeon at Simeona
upang hingin ang kanilang tulong sa pagawain. Nang una, tumanggi ang mag-asawa
at itinapon sa apoy ang liham. Nang himalang hindi masunog ito, naniwala at
nagbigay ng suporta ang mag-asawa. Ito ang unang himala ng Del Carmen sa baryo.
Nang muling magpakita ang matandang
babae, inutusan nito si Kunino na lumuwas ng Maynila at sa simbahan ng San
Sebastian ay humiling ng isang imahen ng Mahal na Birhen. Muling tumalima si
Kunino at nagpaunlak naman ang mga prayleng Recoletos ng isang munti ngunit
magandang imahen ng Del Carmen. Dumating ito sa baryo noong Pebrero 9, 1665,
kaya’t 353 taon na ang imahen sa piling ng mga mamamayan ng Pulong Buhangin.
Ang orihinal na imahen ay nasa
museo ng parokya upang lalong mapangalagaan, habang isang replica ang nasa altar
ng simbahan.
Ang Simbahan
Ang bisita ang naging tampulan ng
pamimintuho ng mga tao dahil na rin sa hirap nang pagtungo sa bayan para sa magsimba. Naging ganap na parokya naman ang pook na ito noong 1940, ayon sa
utos ng noon ay arsobispo ng Maynila, ang Amerikanong si Arsobispo Michael J. O’Doherty.
Nahiwalay sa parokya ng La Purisima Concepcion sa bayan ng Santa Maria, ang mga
baryo ng Pulong Buhangin, Quepombo (ngayon ay Caypombo at isa na ring parokya),
Catmon (isa na ring parokya), Tigbe at iba pang mga sityo na karatig ng mga
baryong ito.
Ang unang kura paroko na
itinalaga noong 1941 ay si Padre Jose B. Aguinaldo (nang lumaon ay itinalaga
bilang Monseñor) mula sa San Carlos Seminary sa Maynila at isa sa mga masigasig
at malikhaing pari noon ng Arkidiyosesis ng Maynila.
Bago pa man ang makabagong
simbahan ngayon, may naunang gusaling pangsamba na pinagsikapan ng mga tao mula
noong huling dako ng 1950. Nabasbasan ito ng Arsobispo Rufino Cardinal Santos. Matagal
na ginamit ang simbahang ito na matatagpuan sa gilid lamang ng kalsada at
katapat ng paaralang elementarya Cornelia M. de Jesus, nakapangalan sa unang
guro ng baryo noon.
Kailangang palakihin at
pagandahin ang simbahan dahil masikip na ito para sa lumalaking populasyon ng
Pulong Buhangin kaya sinimulang magtayo ng bagong simbahan sa pamumuno ni Padre
Enrico Santos at ng kahaliling si Padre
Francisco (Boy) Sta. Ana. Nang mamatay si Padre Sta. Ana, ang mga sumunod na
pari ang nagpatuloy ng pagawain at pagpapalago ng simbahan at iba pang mga
gusali sa paligid nito.
Si Padre Santos ay matagal na
nanilbihan sa parokya at nabihag niya ang puso ng lahat dahil sa galing niyang
mangaral, makipagkapwa-tao at manghikayat ng mga kabataan. Si Padre Sta. Ana
naman ay subsob sa paghahanap ng pondo para sa mga pagawain at nakilala sa
kanyang kababaang-loob at kabaitan. Namatay siya sa parokya mismo at dinayo ng
napakaraming tao ang kanyang burol sa Pulong Buhangin at libing sa tinubuang bayan niya sa Obando.
Lalong sumigla ang parokya sa pangunguna ng mga sumunod pang Kura Paroko na naglaan ng talento at panahon sa paghubog sa mga tao.
Lalong sumigla ang parokya sa pangunguna ng mga sumunod pang Kura Paroko na naglaan ng talento at panahon sa paghubog sa mga tao.
Itinuturing na milagrosa o
mapaghimala ang Del Carmen sa kanyang mga anak. Umusbong ang mga bokasyon sa
pagpapari at buhay-relihyosa mula sa mga pamilya ng parokya. Naging napakasigla ng mga layko sa pagtupad sa tungkulin.
Ang Pista
Ipinagpipista ang Del Carmen
tuwing Pebrero, sa Linggo pagkatapos ng pista ng bayan ng Santa Maria o iyong
pinakamalapit sa Pebrero 9 (araw ng pagdating ng imahen). May pista din tuwing
Hulyo 16, ang kapistahang liturhikas na nasa kalendaryo ng mga pagdiriwang ng simbahan.
Isang magandang imahen ni San Sebastian ang kasama ng Del Carmen na nagmula sa Maynila at kasamang ipinagpuprusisyon tuwing pista. Kasama din sa prusisyon ang isang antigong imahen ni San Roque na mahal ng mga taga-Pulong Buhangin.
Isang magandang imahen ni San Sebastian ang kasama ng Del Carmen na nagmula sa Maynila at kasamang ipinagpuprusisyon tuwing pista. Kasama din sa prusisyon ang isang antigong imahen ni San Roque na mahal ng mga taga-Pulong Buhangin.
Misyon ng parokya na itaguyod ang
debosyon sa eskapularyo ng Birhen at ikalat ang katotohanan ng maka-inang
pagkalinga at pagtatanggol ni Maria para sa mga tagasunod ng kanyang Anak na si
Hesus, ang ating Panginoon.
Nuestra Señora del Carmen de San Sebastian ng
Pulong Buhangin, ipanalangin mo kami!
(paki-share sa iba para sa paglaganap ng debosyon sa ating Mahal na Birheng del Carmen)
(paki-share sa iba para sa paglaganap ng debosyon sa ating Mahal na Birheng del Carmen)
References:
Salamat po sa…
Nuestra Señora del Carmen de
Pulong Buhangin - A Quiet Link to the Carmel devotion in the Philippines
Gregorio, et.al. Pasyon ng barrio
Pulong Buhangin ng bayang Sta. Maria Bulakan.
De Jesus, Armando (2015). A Short
history of the parish of Nuestra Senora Del Carmen Pulong Buhangin, Sta. Maria,
Bulacan.