Kung mangyari man na nakagawa ka ng pagkakamali sa salita o gawa, nagalit, nawala ang atensyon sa panalangin dahil sa pag-usisa sa ibang bagay, naghanap ng hindi tamang saya o paglilibang, naghinala sa kapwa, o nahulog sa anumang pagkakamali, huwag maligalig. Kahit maraming beses kang bumagsak, mahulog sa pagkakamaling pinaka-iiwasan mo pa naman, huwag hayaan ang pagbagsak na ito ay magdulot sa iyo ng panlulumo o pahirap, at huwag isiping hindi ka na maaaring magbago pa o na magiging pabaya ka na sa pamimintuho sa Diyos. Ang mga ganitong isipin ay pasakit sa kaluluwa at pagsasayang ng mahalagang oras. At huwag din namang sobrang tagal na balik-balikan ang mga pangyayaring bumabalot sa iyong pagkakamali, tulad ng kung nasuri mo bang mabuti o kung gaano ang pagsang-ayon mo; ang mga ganitong pag-iisip ay gumugulo lang sa utak, maging bago o matapos ang Kumpisal, at pumupuno sa iyo ng pagkaligalig. Hindi ka magagambal...