CARDINAL GAUDENCIO B. ROSALES: MABUTING HALIMBAWA SA PAGLILINGKOD
ANG KADAKILAAN AT KABANALAN NI CARDINAL GAUDENCIO ROSALES (isang lumang larawan ng Kardinal kasama ang mga simpleng tao) Alam ng noo’y Lipa Archbishop Gaudencio Rosales kung gaano kahirap sumunod sa yapak ni Jaime Cardinal Sin kaya’t hindi agad siya pumayag sa alok na maging kahalili nito. Matapos ang pagdarasal at ang pagsangguni, saka lamang maluwag sa loob na tinanggap niya ang pinakamataas na posisyon sa simbahan ng Pilipinas noong 2003. Dito pa lamang, mababanaag na ang kababaang-loob ng dating lider espirituwal ng simbahan ng Lipa. Mahal na mahal ng Arsobispo Rosales ang kanyang tinubuang bayan ng Batangas kung saan nagmula siya sa isang pamilyang may pangalan at kinikilala. Matapos mag-aral sa San Jose Seminary, naging ganap na pari noong 1958 ang noo’y kilala bilang si Fr. Gaudencio Rosales. Naglingkod siya bilang isang tagahubog ng seminaryo sa Lipa ng 12 taon. Naging simpleng kura paroko din siya ng isang pinakamaliit at pina...