500 YEARS OF CHRISTIANITY: CARDINAL RUFINO SANTOS - UNANG PILIPINONG KARDINAL


SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS



 

Tubong Guagua, Pampanga at ika-apat sa pitong magkakapatid na anak nina  Gaudencio at Rosalia, si Rufino Jiao Santos ay isinilang noong Agosto 26, 1908.

 

Siyam na taong gulang nang pumasok si Rufino Santos sa Manila Cathedral Parochial School at labingdalawang taong gulang naman nang pumasok sa San Carlos Seminary na noon ay nasa Mandaluyong.

 

Nag-aral siya sa Roma noong 1927, kasama ang naging obispo din na si Fr Leopoldo Arcaira na mula din sa San Carlos, habang nakatira sa Pontificio Collegio Pio Latino Americano. Sila ang unang dalawang scholar na Pilipino sa Gregorian University. Nagtapos siya ng Doctorate of Sacred Theology sa Gregorian University sa Roma noong 1931 bilang salutatorian ng kanilang batch. Sa Roma din siya na-ordenan bilang pari sa Basilica of St. John Lateran.

 

Pagbalik sa Pilipinas, naging assistant parish priest siya sa Imus, Cavite at pagkatapos ay parish priest sa Marilao, Bulacan. Kilala siya bilang si Padre “Pinong.”

 

Naglingkod si Fr. Pinong bilang secretary ni Archbishop Michael J. O’Doherty ng Maynila. Mula doon unti-unti siyang binigyan ng mga maseselan at mabibigat na tungkulin na kanya namang nagampanan.

 

Noon panahon ng pananakop ng mga Hapon, nag-volunteer siyang makulong kapalit ng kalayaan ni Archbishop O’Doherty. Dumanas si Fr Pinong  ng torture at interogasyon na naging sanhi ng pagputi ng kanyang buhok. Ikinulong siya mula 1944-45 at naligtas sa kamatayan dahil asa liberation ng Maynila sa tulong ng mga Amerikano. Matapos ang giyera noong 1945, siya ang naging Vicar General ng Maynila.

 

1947 nang hirangin si Fr Pinong bilang obispo at coadjutor (assistant na handang humalili) sa unang Pilipinong arsobispo ng Maynila na si Archbishop Gabriel M. Reyes. 1953 nang ganap siyang naging Arsobispo ng Maynila matapos ang pagyao ni Reyes. Si Archbishop Rufino Santos ang ika-29 na arsobispo ng Maynila.

 

Mahusay na tagapamahala sa pananalapi, ari-arian at pang-simbahang mga gawain, napaunlad niya ang Archdiocese of Manila na noon ay kinilala bilang ikalawang pinakamayamang diyosesis sa buong mundo. KIlala bilang isang conservative si Archbishop Santos.

 

Matapos ang digmaan,pinalakas niya ang kilusang pagbangon ng simbahan. Sinimulan niya ang Catholic Charities (ngayon ay Caritas Manila), Radio Veritas, Asian Social Institute, Pius XII Catholic Center, Our Lady of Guadalupe Minor Seminary at ang Collegio Filippino sa Roma.

 

Pinangasiwaan niya ang reconstruction ng Katedral ng Maynila na nawasak sa giyera. Siya rin ang naging host sa pagdalaw ni Pope Paul VI sa Pilipinas, ang unang papal visit sa kasaysayan ng bansa.

 

Ginawaran siya ng karangalan na maging unang Pilipinong Kardinal ng SImbahang Katoliko noong 1960. Kaya’t nakilala siya sa kasaysayan bilang si Cardinal Rufino Santos ng Maynila.

 

Nakatulong si Cardinal Santos sa pagbabalik-loob ng unang Pangulo ng Republika na si Emilio Aguinaldo sa pananampalataya. Bago namatay ang Pangulo, nagkumpisal ito kay Cardinal Santos matapos ang halos 50 taon ng paglayo nito sa simbahan.

 

Namatay siya matapos ang isang stroke at pagkakahimlay sa banig ng karamdamann noong September 3, 1973 sa edad na 65. Sinasabing siya din ay isang diabetic at nagkaroon ng brain tumor. Nakalibing siya sa crypta ng Manila Cathedral ngayon.


Ang mga Kardinal na Pilipino ay ang mga sumusunod:

1. Cardinal Rufino J. Santos (+), Manila

2. Cardinal Julio R. Rosales (+), Cebu

3. Cardinal Jaime L. Sin (+), Manila  - (bayani ng Edsa Peaceful Revolution)

4. Cardinal Ricardo Vidal (+), Cebu

5. Cardinal Jose Tomas Sanchez (+), Rome

6. Cardinal Gaudencio Rosales, Manila (ret.)

7. Cardinal Luis Antonio G. Tagle, Manila and Rome

- (1st Filipino Cardinal-Bishop)

8. Cardinal Orlando Quevedo, Cotabato (ret.)

9. Cardinal Jose F. Advincula, Manila

 

References:

https://www.ucanews.com/news/manila-honors-its-first-filipino-cardinal/83237

http://www.catholic-hierarchy.org/bishop/bsantosru.html

https://en.wikipedia.org/wiki/Rufino_Santos

 

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS