500 YEARS OF CHRISTIANITY: ANG MGA UNANG PAARALAN O "ESCUELA"

  SA PAGGUNITA SA 500 TAONG NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS 

 

image from the internet

 

Hindi pangunahing misyon ng mga misyonerong Kastila sa Pilipinas ang pagtatatag ng mga paaralan.


Subalit ginawa nila ito bahagi ng misyon ng pagpapalaganap ng pananampalataya. Marami sa mga unang misyonero ay matatalinong iskolar at bunga ng Renaissance movement sa Europa.

 

Noong panahong iyon, ang gobyerno ay walang kakayahan at walang kamulatan sa kahalagahan ng edukasyon… kaya lalong naging pananagutan ito ng Simbahan.

 

Ang edukasyong ay sinimulan ng mga prayleng Agustino noon pang 1565 sa Cebu. Nagturo sila ng pagbasa at pagsusulat, mabuting ugali, at mga skills.

 

Ang mga prayleng Fransiskano ang nagsimula naman ng sistema ng “elementary education” na nagturo ng 4 R’s – religion, writing, reading at ‘rithmetic. Kasama na rin ang ilang skills na praktikal magagamit sa buhay.

 

Ang mga Heswita ay nagtayo ng paaralan sa Iloilo noong 1592, para sa training ng mga magiging katekista.

 

Ang Colegio de San Juan de Letran ng mga prayleng Dominikano ay natatag noong 1620 at naging bantog. Unang tinuruan doon ang mga ulilang bata na anak ng mga sundalong Kastila. Karamihan din sa mga unang graduates ay naging lingkod sa pamahalaan at sa simbahan.

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS