500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA POPES NA BUMISITA NA SA PILIPINAS
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS
POPE PAUL VI
- Unang Santo Papa na dumalaw sa Pilipinas (November 27 to 29, 1970); pastoral visit
- Sinalubong ni Cardinal Rufino Santos
- Bahagi ng pagdalaw sa Asya at Pacific
- Bumisita sa mga squatter sa Tondo
- Muntik nang mapatay ng isang assassin na taga-Bolivia sa ating airport, si Benjamin Mendoza, subalit naharang at nahadlangan agad ng mga security
- Ito ang unang pagtatangka sa buhay ng isang Santo Papa sa modernong kasaysayan
- Pilit inako ni dating pres. Ferdinand Marcos na siya ang nagligtas sa Santo Papa, bagamat ito ay pinasinungalingan ng ibang salaysay sa pangayayari
POPE JOHN PAUL II
- Dalawang beses dumalaw sa Pilipinas
- Unang pagdalaw: 1981 (first time na official Vatican visit), February 17 to 22, 1981
- Sinalubong ni Jaime Cardinal Sin
- Lumibot sa Maynila, Cebu, Davao, Bacolod, Iloilo, Legazpi at Baguio
- Gumanap ng “First Beatification” sa labas ng Roma, para kay “Blessed Lorenzo Ruiz” de Manila
- Ikalawang pagdalaw: 1995 (para sa 10th World Youth Day), January 12 to 16, 1995
- Sinalubong muli ni Jaime Cardinal Sin
- Nakaakit ng isa sa pinakamalaking pagtitipon (one of the largest crowd) sa kasaysayan ng pagbisita ng isang Santo Papa, 4-5 milyon katao.
- Muntik na ring mapatay dahil sa isang assassination na nasugpo agad ng mga pulis
POPE FRANCIS
- January 15 to 19, 2015
- Dumalaw sa Maynila, Tacloban, Palo (Leyte)
- Sinalubong ni Cardinal Luis Antonio Tagle
- Nagbigay inspirasyon sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda
- Nakaakit ng pinakamalaking pagtitipon (largest crowd) sa kasaysayan ng lahat ng Misa ng isang Santo Papa, 6 milyon katao, sa Luneta.
Comments