500 YEARS OF CHRISTIANITY: PAANO NAGING ARCHDIOCESE ANG MAYNILA
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS
Hiniling ni Bishop Domingo de Salazar, unang Obispo sa Pilipinas, na hatiin ang diocese ng Maynila na noon ang nasasakupan ay ang buong Pilipinas.
Una niyang isinangguni ito sa hari ng Espanya. Pagkatapos inilatag ang panukala sa Santo Papa sa Roma.
Noong 1595, ginawa ng Santo Papa Clemente VIII ang Maynila bilang Archdiocese at ang mga bagong diocese ng Nueva Segovia at Nueva Caceres, at Cebu.
Si Archbishop Ignacio de Santibañez ang bagong pinuno ng Archdiocese ng Maynila (namatay na noon si Bishop Salazar).
Si Bishop Miguel de Benavidez ang magiging obispo ng Nueva Segovia.
Si Bishop Pedro de Agurto naman sa Cebu.
Si Bishop Luis Maldonado para sa Caceres.
Ang bagong archdiocese ng Maynila ang nakakasakop sa mga probinsya ng Rizal, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Laguna, Marinduque at Mindoro.
Ang Maynila ang sentro ng pulitika, kultura at relihyon ng buong bansa noon. Tagalog ang namamayaning salita dito.
(Archdiocese of Manila: Pilgrimage in Time, 2000)
Comments