NEW ARCHBISHOP OF MANILA, CARDINAL JOSE F. ADVINCULA

His Eminence Jose F. Advincula was born on March 30, 1952 in Dumalag, Capiz.

 - ordained a priest: on April 4, 1976

- he was made Papal Chaplain of Pope John Paul II  in 1997

- appointed Bishop of San Carlos on July 25, 2001

- ordained bishop on Sept. 8, 2001

- appointed Archbishop of Capiz on Nov. 9, 2011

- announced by Pope Francis as new Filipino Cardinal on October 25, 2020

- appointed Archbishop of Manila, March 25, 2021, Solemnity of the Annunciation 

- installed Archbishop of Manila, June 24, 2021, Solemnity of the Birth of St. John the Baptist

 


 

Si Cardinal Jose F. Advincula ang ika-33 Arsobispo ng Maynila, ang pangunahing arkidiyosesis sa Pilipinas at sa buong Asya.

 

Kilala siya bilang isang pastol na mapagmahal sa kanyang kawan. Hinimok niya ang kanyang mga pari sa Capiz na maging malapit sa mga kabataan at maging handang makinig sa mga problema ng mga ito, sa panahon kung kailan napansin niyang tumataas ang bilang ng mga kabataang nagsu-suicide o may problema sa mental health. Buong malasakit din niyang itinayo ang isang tahanan para sa mga matatanda at maysakit na mga retiradong pari at tiniyak na may mag-aaruga sa kanila at magdudulot ng kanilang pangangailangan. Matiyaga niyang dinadalaw ang mga malalayong lugar upang doon ay makaniig ang mga mahihirap na pamayanan na naghahangad ng Salita ng Diyos.

 

Sa seminaryo, naging gabay ni Cardinal Advincula noon ang dating Fr. Jaime Sin na naging Arsobispo din ng Maynila at naging tanyag na Pilipinong Kardinal sa buong mundo. Si Fr. Sin ang naging guro niya sa Latin sa St. Pius X Seminary sa Roxas City. Sino ang mag-aakala na balang araw pala siya ay susunod sa yapak ng kanyang guro bilang pastol ng Arkidiyosesis ng Maynila.

 

Nagmula sa isang malaking pamilya si Cardinal Advincula. Labindalawa silang magkakapatid, anim na babae at anim na lalaki, na bunga ng pagmamahalan ng mga magulang na sina Jose Advincula at Carmen Fuerte. Dalawa sa mga kapatid ng Cardinal ay naging pari din – ang kanyang kuya Msgr Ben Advincula (yumao na) at ang nakababatang si Fr. Neil Peter Advincula. May pinsang buo siyang pari,, si Fr Antonio Fuerte at may dalawang amain (sa side ng kanyang ina) na pari: Msgr Siforiano Fuerte at Msgr Edmundo Fuerte (mga yumao na).

 

(pananaliksik sa pamamagitan ng internet sources; salamat sa kanila).

 

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS