ANO ANG "O ANTIPHONS": MAIIKLING PANALANGIN SA PAGDATING NG PASKO
Habang papalapit ang Pasko, mula December 17 hanggang December 24, may natatanging panalangin na tinatawag na “O Antiphons.” Ang antiphon o antipona ay isang maikling panalangin na ginagamit bilang tugon sa pagdarasal ng simbahan. Ang “O Antiphons” ay tinawag sa ganitong pangalan dahil nagsisimula sila sa isang madiin na “O.” Ang pinatutungkulan ng pagbati ay ang Panginoong Hesukristo na darating, at ang kasunod ng salitang “O” ay mga titulo ng Panginoon mula sa kasulatan ng Propeta ng Lumang Tipan. Dito ipinakikita na ang sinabi ng Propeta ay nagkakaroon ng katuparan sa katauhan ng Panginoong Hesukristo na siyang tunay na nagmamay-ari ng mga titulo o parangal na ito. Sa Ingles, narito ang mga O Antiphons na tinatawag, kasunod ang katumbas nito sa Tagalog.
December 17
O Wisdom of our God Most High…
O Karunungan…
December 18
O Lord/ Leader of the House of Israel…
O Pinuno…
December 19
O Root of Jesse’s stem…
O Ugat ni Jesse…
December 20
O Key of David,
O susi ni David
December 21
O Radiant Dawn…
O sinag ng bukang-liwayway…
December 22
O King of all…
O Hari…
December 23
O Emmanuel…
O Emmanuel…
Simple subalit may malalim na kahulugan at aral ang mga panalanging ito lalo na sa ating pagkilala sa tunay na kahulugan ng pagka-Diyos at pagka-tao ng ating Panginoong Hesukristo!
image from the internet, thanks
Comments