REFLECTIONS ON DAILY READINGS DEC. 1-15, 2022


 

December 1 Thursday

Mt. 7:21, 24-27

 

The Lord Jesus has an excellent reminder in today’s Gospel: “Not all who call me, Lord, Lord, will enter the kingdom of heaven, but only those who do the will of my Father in heaven.” It is good to acknowledge God but it is even wiser to follow the will of God. It is good to be speak about the “Lord” but it is wiser to quietly live according to one’s faith in the Lord. It is good to display a token of belief in God, but it is much better if we ourselves can become living images of God to our neighbor, especially in this season of Advent!

 

Maganda ang paalala ng Panginoong Jesus sa Mabuting Balita: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Mabuti ang may Diyos na kinilala, subalit “matalino” ang sumunod sa kalooban ng Diyos. Mabuti ang magsalita tungkol sa “Panginoon”, subalit “matalino” ang mamuhay ayon sa ating sinasampalatayanan. Mabuti ang magkaroon o magsuot ng mga larawan o sagisag ng Panginoon, pero “matalino” ang tayo mismo ang maging larawan ng Panginoon sa ating kapwa, lalo na ngayong Adbiyento. (by Bro. Mhar Bayot)

 

December 2 Friday

Mt 9: 27-31

 

Notice that in the Gospel today, before the Lord Jesus healed the blind man, he asked him: Do you believe i can heal you? The Lord is all-powerful and he can do all good things he wants to accomplish. Blessings and graces abound from the heart of God. But the door of our faith needs to be open. Do we truly believe that the Lord is powerful enough to give us what we need, what is best for us? Pray for a stronger faith this Advent.

 

Kapansin-pansin sa Mabuting Balita sa araw na ito na bago pagalingin ng Panginoong Jesus ang bulag na nagmakaawa sa kanya, tinanong muna niya sila, “Naniniwala ba kayo na mapapagaling ko kayo?” Ang Panginoong Jesus ay makapangyarihang Diyos at magagawa niya ang anumang ibig niyang gawin. Ang biyaya ay sagana at ang pagpapala ay nag-uumapaw. Subalit kailangan ibukas natin ang pintuan ng ating pananalig. Sumasampalataya ba talaga tayo na makapangyarihan ang Panginoon at ipagkakaloob niya ang makabubuti sa atin? Manalangin tayong maging matatag ang pananampalataya lalo na ngayong Adbiyento. (by Bro. Mhar Bayot)

 

December 3 Saturday

MT 9:35–10:1, 5A, 6-8

 

What is our mission as Christians? It is to proclaim the Good News. And what is that, exactly? The Good News is the person of Jesus himself. To proclaim him is to introduce him and make him loved, to give others the chance to encounter Jesus – to know him (in his teachings), to join him (in his Kingdom), to celebrate him (in his sacraments), and to walk with him (through a true Christian life). You have received the Good News! Be grateful! Share Jesus this Advent with love!

 

Ano ba ang ating misyon bilang Kristiyano? Ang ating misyon ay ang “ipahayag ang Mabuting Balita”. Aatb ano ang Mabuting Balita? Ang Mabuting Balita ay walang iba kundi si Jesus. Ang ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay ang pagpapakilala kay Jesus at pagpapaibig kay Jesus sa ating kapwa. Ang ebanghelisasyon o ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay pagbibigay ng mga pagkakataon sa ating kapwa na makatagpo si Jesus, makilala siya (sa kanyang mga aral), makiisa sa kanyang kaharian (sa kanyang Simbahan), maging bahagi ng kanyang buhay (sa mga Sakramento), at maisabuhay ang kanyang buhay (sa maka-Kristiyanong pamumuhay).  Natanggap natin ang Mabuting Balita. Ibahagi natin si Hesus nang may pagmamahal ngayong Adbiyento! (by Bro. Mhar Bayot)

 

December 4  Second Sunday of Advent A

Mt 3:1-12

See separate Sunday reflection in this blog

 


 

December 5 Monday

Lk 5:17-26

 

How did the paralyzed man merit his miraculous healing? It was not because he personally expressed his faith in the Lord Jesus. Rather the gospel says, “Jesus saw their faith,” the faith of his friends, the men who went up the house, broke open the tiles, and brought him right in front of Jesus. This is significant since it tells us that our faith can help others in their need. Our faith can bring people closer to the Lord. This is what happens when parents bring a baby for baptism, or when relatives call a priest for a sick or dying person. This is also what happens when out of love, we pray for someone who needs God’s mercy and help the most. Let your faith be at the service of others this season of Advent.

 

Paano natamo ng lumpo ang kanyang himala? Hindi dahil sa personal niyang ipinahayag ang pananampalataya niya sa Panginoong Hesus. Sabi ng mabuting balita: Nang makita ni Hesus ang “kanilang” pananampalataya, ang pananampalataya ng mga kaibigan ng maysakit, ng mga taong umakyat at nagtungkab ng bubong, ng mga naghatid sa maysakit sa paanan ni Hesus. Mahalaga ito dahil sinasabing ang pananampalataya natin pala ay nakatutulong sa iba, nakapagpapalapit sa iba sa Panginoon. Ganito ang nagaganap kapag dinala ng mga magulang ang sanggol para pabinyagan, o tumawag tayo ng pari para sa maysakit na minamahal. At gayundin tuwing magdadasal tayo para sa kapwang higit na kailangan ang tulong at awa ng Panginoon. Gawin natin kapaki-pakinabang ang ating pananampalataya sa ating kapwa ngayong Adbiyento.

 

 

December 6 Tuesday

Mt 18:12-14

 

We prepare to celebrate the birth of our Lord Jesus Christ and we see today why we eagerly do so. He is our God who comes in humility and meekness, the sure sign that he is one with the Father and the Holy Spirit. In Jesus’ coming, he goes in search of the single lost sheep, even leaving behind the rest of the flock.  This is the secret of the Incarnation – that the Son of God will bring the mercy of the Father to the least and the lost. He will not rest until all have been returned to the flock. What a great hope we have! Let us share this with a friend today.

 

Naghahanda tayo sa pagdiriwang ng pagsilang ng Panginoong Hesukristo at ngayon malalaman natin kung bakit tayo sabik na sabik. Siya ang Diyos na dumarating sa kababaang-loob at kaamuan, tanda na tunay siyang kaisa ng Ama at ng Espiritu Santo. Sa pagdating ni Hesus, hahanapin niya ang isang nawawalang tupa, kahit iwanan pa ang buong kawan. Ito ang sikreto ng Pagkakatawang-tao ng Diyos – dadalhin ng Anak ang awa ng Ama sa pinakamaliit at pinaka-aba. Hindi siya magpapahinga hanggang hindi naibabalik lahat sa kawan. Kaylaking pag-asa nito kaya bakit hindi mo ibahagi ang pag-asa ni Hesus sa isang kaibigan ngayong araw na ito?

 

 

December 7 Wednesday

Mt 11:28-30

 

St Francis de Sales loved this gospel so much since for him this reveals who Jesus really is, in his own words. “I am meek and humble of heart… I give you rest… I ease your burdens.” Like yesterday, we again see here the manifestation of the mercy of God. God is not about anger, guilt, or fear. God is pure love, overflowing mercy, immeasurable kindness to the one who seeks him. This Advent let us savor this tenderness of the Lord that comes to us. May it illuminate our lives and transform us.

 

Paborito ni San Francisco de Sales ang ebanghelyong ito kasi dito niya nakita kung sino si Hesus, ayon sa sarili nitong mga salita. “Ako ay maamo at mababang-loob… nagbibigay ng pahinga... nagpapagaan ng pasanin ninyo.” Tulad kahapon, kita nating muli ang pagpapahayag ng habag ng Diyos. Ang ating Diyos ay hindi tungkol sa galit, paninita, o takot.  Siya ay ganap na pagmamahal, nag-uumapaw na awa, at di masukat na kabutihan sa mga lumalapit sa kanya. Ngayong Adbiyento, lasapin natin ang kaamuan ng Panginoon na dumarating sa atin. Ito nawa ang maging liwanag natin at ang daan ng ating pagbabagong-buhay.

 

December 8 Thursday

Lk 1:26-38

 

For Christians throughout history, loving Jesus means loving Mary, his mother too. And being devoted to Mary does not lead one astray but leads one directly to the heart of her Son, Our Lord. It is an undeniable fact that the Son of God came into the world; he came through a human family; he came through a woman, a mother. God chose and prepared the heart of this woman to be full of faith, obedience and faithfulness from beginning to end. Let us pray that like Mama Mary, our lives will be a fitting welcome to the Son of God whose coming we now prepare for with joy.

 

Para sa mga Kristiyano sa buong kasaysayan, ang mahalin si Hesus ay mahalin din si Maria, ang kanyang ina. At ang maging deboto ni Maria ay ang hindi maligaw ng landas kundi ang makarating sa puso ng Anak, ang ating Panginoon. Hindi maitatanggi ang kilos ng Diyos nang isugo niya ang kanyang Anak sa daigdig. Dumating siya sa pamamagitan ng pamilya; dumating siya sa pamamagitan ng isang babae, isang ina. Pinili at inihandang mabuti ng Diyos ang puso ng babaeng ito na magningning sa pananampalataya, pagtalima, at katapatan mula simula hanggang dulo ng kanyang buhay. Ipanalangin nating maging tulad tayo ni Mama Mary upang ang ating mga buhay din ay maging nararapat na pagsalubong sa Anak ng Diyos sa kanyang pagdating na pinaghahandaan natin ngayon nang buong kagalakan.

 

December 9 Friday

MT 11:16-19

 

The Lord Jesus laments a prevailing attitude of most people. There is reason to rejoice, but they would not join in. There is a reason to celebrate, but they would rather sulk in a corner. We love to criticize, to be negative, to be rash, to be bashers of one another. This makes us forget and lose sight of the gifts the Lord sends our way. Let us pray to be liberated from this negative spirit of criticism, of putting others down, and of not appreciating the goodness around us and in other people. Learn to smile always, to thank God and to enjoy this season of peace and blessings!

 

Nanghihinayang ang Panginoon dahil sa ugali ng maraming tao. May dahilan upang magsaya pero ayaw nilang sumali. May dahilan upang magdiwang pero mas mamatamisin pa nilang magmukmok sa tabi. Diyan tayo magaling – sa pagpuna, sa pagiging negatibo, sa pagiging mapanghusga, sa pagiging “bashers” sa isa’t-isa. Tuloy nakakalampas sa ating mga mata ang mga biyayang padala ng Panginoon. Manalangin tayong makawala sa negatibong espiritu ng pagpuna, ng paninira, ng hindi pagpapahalaga at paghanga sa kabutihang nakapaligid sa atin at nasa kapwa tao. Matuto ka namang ngumiti lagi, magpasalamat at lasapin ang saya at biyaya ng panahong ito!

 

December 10 Saturday

Mt 17:9a, 10-13

 

At the time of Jesus, the prophet Elijah enjoyed a good reputation among the people. But this was not so during the prophet’s own time. A prophet is praised and appreciated long after his death, when he is already too far to reach with our resistance, contradictions and opposition. John the Baptist met the same fate, brutally dying for his preaching of the words of God. Prophets call us not only to see with new eyes but also to walk… to walk the way of conversion. Let us ask Mama Mary to help us make ourselves open to the message of the prophets in the church and in society who call us to prepare our hearts for the coming of the Lord.

 

Sa panahon ni Hesus, sikat na ang propeta Elias. Subalit sa panahon mismo ng propeta hindi ganoon ang sinapit niya. Ang propeta ay naaalala at pinupuri matapos siyang mamatay, kapag malayo na siya sa pagtuligsa, pagmamatigas, at pagsalungat ng mga tao. Ganyan din si Juan Bautista na namatay pa nga dahil sa kanyang pangangaral ng mga salita ng Diyos. TInatawag tayo ng mga propeta hindi lamang makakita sa tulong ng mga bagong mata, kundi lumakad din sa baong landas… sa landas ng pagbabago. Hilingin natin kay Mama Mary na tulungan tayong maging bukas sa mensahe ng mga propeta ngayon sa simbahan at sa bayan na nag-aanyaya sa ating maghanda ng mga pusong dalisay para sa Panginoon.

 

 


 

December 12 Monday Our Lady of Guadalupe

LK 1:26-38

 

Devotion to the Blessed Virgin Mary is stable and strong around the world. Even when at times it has been suppressed, God makes a way for its timely comeback. An old native of Guadalupe in Mexico was asked why she had a devotion to the Virgin. The old woman simply said: “Because she stayed.” Mary is the instrument of God who stayed with Jesus from the womb to the tomb. She continues to stay with us in our journey of faith through joys and sorrows, laughters and tears, forlornness and hope. Ask Jesus today to give us a true devotion to his Blessed Mother and our Mother too.

 

Ang lakas ng debosyon ng mga Kristiyano sa Mahal na Birheng Maria saanman sa buong mundo. Minsan kapag sinupil ang debosyon sa puso ng mga tao, gagawa ng paraan ang Diyos na muling buhayin ito sa tamang panahon. Isang matandang Mexicana ang tinanong kung bakit mahal niya ang BIrheng Maria. Ang sagot niya ay: “Sapagkat nandito siya at nanatili sa amin.” Si Maria ang kasangkapan ng Diyos na nanatili kasama ni Hesus mula sa sinapupunan hanggang sa libingan. Nananatili din siya ngayon sa piling natin sa paglalakbay ng pananampalataya sa gitna ng galak at lungkot, ng halakhak at luha, ng hinagpis at pag-asa. Hilingin natin sa Panginoong Hesus na bigyan tayo ng tunay na debosyon sa kanyang Mahal na Ina na atin ding tunay na Ina.

 

December 13 Tuesday

MT 21:28-32

 

Can we sometimes identify ourselves with the son in the parable who said yes but did not obey his father? Our willingness is threatened by our craftiness and capacity to lie even before God, to seek our own interest and to go for our own comfort. For this, we continually need the action of Jesus, who alone can save us from ourselves. Today, let us strive to say yes to the Lord and to truly follow up on our promise.

 

Minsan nakikita ba natin ang sarili nating tila katulad noong anak na nagsabi muna ng opo at pagkatapos ay hindi naman sumunod sa ama? Ang kagustuhan nating maglingkod ay natatabunan ng ating kakayahang maging wise at maging sinungaling kahit sa harap ng Diyos. Mas gusto natin ang ating sariling interes, ang ating sariling layaw. Dahil dito mas kailangan talaga natin ang kilos ni Hesus na siyang tanging makapagliligtas sa atin sa ating pagkamakasarili. Ngayong araw na ito, kasama si Maria, sikapin nating ang ating opo sa Pagninoon ay magbunga ng pagsunod sa kanya.

 

 

December 14 Wednesday

LK 7:18B-23

 

We see here the soft side of John the Baptist. The fiery preacher seems to be confused as to the identity of the Lord Jesus Christ, his cousin. Was he really the Messiah? When will he openly proclaim himself? But Jesus does not give a categorical answer; rather he points to the gradual unfolding of the Kingdom among the poor and the simple who follow him. His kingship will not come through pageantry but through the openness of the heart. Another John, John of the Cross, whose feast we celebrate today, said that God is “todo” – all love, all giving, all sweetness. But we need to experience “nada” – nothingness – so as to be able to receive God’s many gifts. God is “all” but we need to experience being “nothing” so that we can be filled with “all.”

 

Ibang katauhan ni Juan Bautista ang nakikita natin ngayon dito. Matapang na tagapangaral pero tila naguguluhan at nalilito kung si Hesus nga ba ang Mesiyas na darating. Siya na nga kaya? Kelan niya ito ipapahayag? Hindi tahasang tumugon ang Panginoong Hesus; itinuro lamang niya ang unti-unting pagbubukang-liwayway ng kaharian sa gitna ng mga maralita at mga karaniwang tao na nagbubukas ng puso sa kanya. Ang kaharian ng Diyos ay hindi isang darating bilang isang palabas sa entablado kundi sa pamamagitan lamang ng pusong bukas. Ayon sa isa pang Juan, si San Juan dela Cruz, na ipinagdiriwang natin ngayon, ang Diyos daw ay “todo” – buhos ng pagmamahal, buhos ng pagbibigay, buhos ng katamisan. Subalit kailangang tayo ay maging “nada” – walang-wala – upang mapunuan naman tayo ng mga kaloob ng Diyos. Ang Diyos ay “todo-buhos” pero kailangang tayo ay “walang-wala” para masalinan ng kanyang “todo.”

 

December 15 Thursday

Lk 7:24-30

 

No one is greater than John the Baptist, the Lord Jesus says. So how can the least in the Kingdom of God be greater than him? The key to this is the new creation! In the new creation, God will make radical changes. New life will not be based on natural but on supernatural level. The Son of God will make us share in his own sonship. We will participate in this deep friendship with God which is a total gift: if the old creation happened in spite of nothingness, the new creation will happen in spite of sin. Because Jesus became human like us, we can be greater than John the Baptist as long as we put into practice the newness God introduces into our lives.

 

Wala nang hihigit pa kay Juan Bautista, sabi ng Panginoong Hesus. Kaya, paano mangyayari na ang pinakamaliit sa kaharian ng Diyos ay mas dakila sa kanya? Ang susi sa sagot ay ang bagong nilikha. Sa bagong nilikha, gagawa ang Diyos ng mga dakilang pagbabago. Bagong buhay na hindi nakabatay sa natural kundi sa makalangit na antas. Ang Anak ng Diyos ang magbubukas sa atin ng pintuan upang makisalo sa pagiging mga anak ng Diyos din. Makikibahagi tayo sa malalim na pakikipag-ugnayan at pakikipagkaibigan sa Diyos na isang lubos na kaloob: kung ang dating nilikha ay mula sa kawalan, ang bagong nilikha ay mula naman sa kasalanan. At dahil si Hesus ay naging tao tulad natin, dahil sa kanya, tayo ay maaaring maging mas dakila kay Juan Bautista kung matapat nating isasabuhay ang bagong pagkakataong dulot ng Panginoon sa ating buhay.

 

 

 

 

 

From December 16-25, see the blog posts for Simbang Gabi Masses and Christmas Day.

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS