SAINTS OF FEBRUARY: SAN CIRILO AT SAN METODIO
PEBRERO 14
SAN CIRILO, MONGHE, AT SAN METODIO, OBISPO
A.
KUWENTO NG BUHAY
Tulad
ni Santa Escolastica at San Benito, magkapatid din ang mga santong ating
pinararangalan ngayon sa ating kalendaryo ng simbahan. Mula sa Tessalonika sa bansang Greece
ang magkapatid na Constantino at Miguel.
Naging
isang pari si Constantino at binago ang kanyang pangalan sa Cirilo nang siya ay
pumasok bilang isang monghe sa Roma bago siya mamatay. Tinanggap niya ang isang magandang
edukasyon sa Constantinople at doon din naisipang magpari. Pagkatapos na maging
isang ganap na pari, una siyang naglingkod sa Constantinople (ngayon ay
Istanbul, Turkey) kung saan nagturo siya ng pilosopiya.