SAAN PINAKAMASIPAG AT PINAKATAMAD MAGSIMBA ANG MGA TAO?

 



Kung akala ninyo e sapat na ang maraming nagsisimba sa Quiapo, sa Baclaran, sa Manaoag o Antipolo… o sa Sto. Niño sa Cebu, teka lang. May katatapos pa lamang na survey kung saan napatunayan kung anu-anong mga bansa ang may mga Katoliko na masipag talagang magsimba… at hindi Pilipinas ang number 1.

 

Nangunguna dito ang Nigeria kung saan ayon sa survey, 94% ng mga Katoliko ang nagsisimba linggo-linggo. Kasunod dito ang Kenya na may 73% ng mga Katoliko ang mahilig magsimba linggo-linggo. Pangatlo ang Lebanon na may 69%.

 

Pang-apat pa lamang ang Pilipinas na may 56% at sumusunod ang Colombia, 54%, Poland 52% at Ecuador 50%.

 

Ang bansang may pinakatamad magsimba na mga Katoliko linggo linggo ay ang Lithuania, 16%, Germany at Canada kapwa 14%, Latvia at Switzerland 11%, Brazil at France 8% at Netherlands 7%.

 

Nakakagulat na number one ang Nigeria na kung saan isa sa pinaka-delikado maging Kristiyano at Katoliko dahil sa mga pag-uusig na ginagawa ng mga Muslim sa mga Kristiyano sa bansang ito ngayon. Pinapatay, kini-kidnap, inaalipin, at tinatakot ang mga pari, madre, pastor at mga mananampalataya sa bansang ito ngayon. Subalit totoo nga na kung saan lalong sinusubok, doon naman tumatatag ang pananampalataya ng mga tao sa tulong ng Espiritu Santo. Ipagdasal natin ang mga Kristiyano sa Nigeria at sa iba pang mga bansa.

 

#ourparishpriest 2023

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

LA PURISSIMA CONCEPCION, STA. MARIA, BULACAN