ANG DAAN NG KRUS PARA SA KAPAYAPAAN AT PAGHILOM

 

(image, thanks to the internet)


MGA MAIIKLING PAGNINILAY

 

Sa harap ng Diyos, kasama ang Mahal na Birhen at ang mga anghel at mga banal, makibahagi tayo sa Daan ng Krus para sa kapayapaan at paghilom (peace and healing). Kailangang kailangan natin ang mga ito ngayon. Nawa ang kapayapaan at paghilom ng Espiritu Santo ang manahan sa ating puso. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

 

ANG UNANG ISTASYON: SI HESUS AY HINATULAN NG KAMATAYAN

 

Sinasamba ka namin, O Kristo, at pinupuri ka namin.

Sapagkat sa pamamagitan ng iyong banal na krus ay tinubos mo ang mundo.

 

Panginoong Hesus ibinahagi mo po sa amin mula sa iyong puso ang mga kataga ng kapayapaan at pag-asa at mula sa iyong mga kamay ang gawain ng paghilom sa aming mga sakit at karamdaman. Pawiin nawa ng iyong pagmamahal ang aming takot, at wasakin nawa ng iyong kapayapaan ang mga alitan at digmaan sa aming buhay. Sa pagsunod namin sa iyo sa daan tungo sa iyong kamatayan, punuin mo kami ng kapayapaan at kagalingan at gawin kaming kasangkapan ng kabutihan sa mundong ito. Amen.

 

(* Ang bawat istasyon ay maaaring tapusin sa isang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati sa Diyos...)


ang kabuuan nito ay tunghayan sa bagong website natin: https://www.ourparishpriest.com/2023/02/ang-daan-ng-krus-para-sa-kapayapaan-at-paghilom/


Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS