MAHAL NA ARAW AT ANG MGA VIRUS SA ATING BUHAY
Sa unang pagkakataon sa karanasan nating mga Kristiyano,
papasok tayo sa kakaibang Holy Week ngayong taon. Kahit bumabagyo, bumabaha,
lumilindol, sumasabog ang bulkan, o magunaw man ang mundo, hindi kailanman
nawala sa ating puso ang mga bagay na nagbibigay halaga sa mga Mahal na Araw.
Miss ninyo tiyak ang Visita Iglesia, Stations of the Cross sa
barangay, ang Pabasa ng Pasyon sa bisita, ang prusisyon ng mga poon, ang mga
Misa… at lalo na ang taunang Pagkukumpisal tuwing Kuwaresma at Holy Week.
Subalit kakaiba man ang ating situwasyon, huwag nating
kaligtaan na ang mensahe ng Diyos ay lalong nagiging malapit sa ating puso.
Tinanggal ng lockdown ang mga panlabas na anyo ng pananampalataya. Pero ang
higit na mahalaga ay hindi nito mababakbak sa atin – ang pakikiugnay sa
Panginoon puso-sa-puso saan ka man naroroon, sa tulong at gabay pa rin ng
Simbahan.
Bawat araw ng Holy Week magbibigay tayo sa blog na ito ng
munting mga pagninilay (bukod sa mga regular Sunday reflections), at tatalakayin
natin ang iba’t-ibang mga VIRUS na tiyak nais ng Diyos na alisin sa ating
sistema, sa ating ugnayan, at sa ating puso.
Abangan ang mga Virus na pagninilayan sa Mahal na Araw 2020…