PAANO LABANAN ANG TUKSO – part 1
Anak, kung nais mong maglingkod sa Diyos, ihanda ang
kaluluwa mo sa mga pagsubok – Sirac 2:1
Walang ligtas sa mga tukso kung nais niyang paglingkuran ang
Diyos.
Subalit kahit walang taong ligtas sa tukso, hindi nararapat
na tayo ang pumunta sa lugar kung saan naroroon ang tukso.
Ang Panginoong Hesus ay hindi nagpunta sa lugar ng tukso;
Siya ay dinala doon ng Espiritu; ibig sabihin, napunta siya doon bilang
pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Si Haring David, naghanap ng sariling tukso nang panoorin
niya sa kanyang bintana ang magandang babaeng naliligo sa katabing bahay (2
Hari 11:1-4).
Pero si Jose, sa Lumang Tipan (Gen 37:28) ay nanindigan na
iwasan ang tukso ng asawa ng kanyang panginoon, na noon ay nagka-interes sa
kanya.
Tiyak na ang nais maglingkod sa Diyos ay dadaan at dadaan sa
mga tukso.
Si Ananias at Safira (Gawa 5: 1-3) matapos mangako na
itatalaga ang loob sa simbahan ay biglang natuksong magsinungaling at itago ang
kanilang dapat sana ay iaalay na handog.
Si San Pablo naman ay buong buhay na may tinik na nakatusok
sa kanyang laman tanda ng tuksong panghabambuhay (2 Cor 12:7).
Kaya dapat talaga ihanda ang kaluluwa laban sa tuksong
sasalakay dito.
Ano ang mga uri ng tukso? Narito ang ilang (unang 3):
1.
Ang takot ng taong duwag: ang unang tukso na
ginagamit ng kalaban laban sa atin
Huwag matakot dahil napapalibutan ka ng kalasag ng
katotohanan at pananampalataya (Efeso 6:11-16).
Huwag maging duwag kumilos, magtrabaho, at gumawa ng tama.
Malakas ang tukso kapag tayo ay nakatunganga at walang
ginagawa; kaya tumayo ka at magbanat ng buto at huwag manghinayang gumawa ng
mabuti.
Tiwala lang sa “Amang Makapangyarihan.”
2.
Ang takot ng isip bata: ang mga bata ay takot sa
multo, sa daga, sa batong bumabagsak sa bubong ng bahay.
Maraming takot na mawalan ng kasiguraduhan at proteksyon ng
kanilang mga magulang.
Gusto ay lagi silang payapa; laging perpekto; laging
nakasiksik sa saya ng nanay niya.
Gusto ang buhay ay laging perpekto.
Tila mahirap maging perpekto sa mundong ito.
Sapat na ang iwasan ang kasalanan at huwag itong mahalin at
huwag itong hayaang manatili sa puso mo.
3.
Ang takot ng taong mahina: mahina ang loob kaya
ayaw mawalan ng kapanatagan o kapayapaan.
Gusto lagi ay tuloy-tuloy na kaligayahan at hayahay sa
buhay.
Walang taong wala ring kahinaan kahit na isa man lang.
Huwag matakot kung may mga kahinaan ka man. Sa halip,
tumakbo sa Diyos at ialay muli ang sarili sa kanyang kabutihan.
Gawin ang tama at bahala na ang Diyos kung ipagkakaloob sa iyo
ang kapayapaan niya.
salamat kay San Francisco de Sales