PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS KUNG WALANG MISA ( CELEBRATION OF THE WORD )






PANIMULANG AWIT (pumili ng pamilyar na awitin)





PAGBATI





NAMUMUNO (N):  Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo





LAHAT (L):     Amen.





Leader:   Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo at ang pag-ibig ng Diyos Ama ay sumaatin nawa.


All:                   Purihin ang Diyos.





PAGSISISI





N:                   

Aminin nating ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat sa  pagtitipon nating ito para sa panalangin at pagninilay.





L:                

Inaamin Ko Sa Makapangyarihang Diyos, At Sa Inyo Mga Kapatid Na Lubha Akong Nagkasala Sa Isip, Sa Salita, At Sa Gawa, At Sa Aking Pagkukulang. Kaya't Isinasamo Ko Sa Mahal Na Birheng Maria, Sa Lahat Ng Mga Anghel At Mga Banal At Sa Inyo Mga Kapatid Na Ako Ay Ipanalangin Sa Panginoong Ating Diyos.





N: 

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, Patawarin tayo sa ating mga kasalanan, At patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.





L:    Amen.





LITURHIYA NG SALITA





Unang Pagbasa – Salmong Tugunan –  Ikalawang Pagbasa – Mabuting Balita





(Mabuting gamitin ang mga pagbasang nakatakda sa araw na ito)





(pumili ng pagbasa ng isang pagninilay batay sa Salita ng Diyos)





Tahimik na Pagninilay





Pagbabahaginan ng mga miyembro ng pamilya ukol sa mga Pagbasa (kung nais)






L:  

Sumasampalataya ako sa Diyos



Amang makapangyarihan sa lahat,



na may gawa ng langit at lupa.



Sumasampalataya ako kay



Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,



Panginoon nating lahat.



Nagkatawang-tao siya



lalang ng Espiritu Santo, ipina-



nganak ni Santa Mariang Birhen.



Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,



ipinako sa krus, namatay, inilibing.



Nanaog sa kinaroroonan ng mga



yumao. Nang may ikatlong araw



nabuhay na mag-uli. Umakyat sa



langit. Naluluklok sa kanan ng



Diyos Amang makapangyarihan



sa lahat. Doon magmumulang



paririto at huhukom sa nangabu-



buhay at nangamatay na tao.



Sumasampalataya naman



ako sa Diyos Espiritu Santo, sa



banal na Simbahang Katolika,



sa kasamahan ng mga banal, sa



kapatawaran ng mga kasalanan,



sa pagkabuhay na muli ng na-



ngamatay na tao at sa buhay na



walang hanggan. Amen!







PANALANGING PANGKALAHATAN





 N:    Ipanalangin natin sa Diyos ang ating mga kahilingan.





 Bawat miyembro ng pamilya ay magsasabi ng kani-kanilang kahilingan.





Pagkatapos ng bawat kahilingan, lahat ay tutugon: Panginoon, dinggin Mo kami.





Pag natapos na ang lahat ng kahilingan:





N:          

Ama naming mapagkalinga,



dinggin mo po ang pagsusumamo



ng iyong bayan at lingapin kami ng



Iyong pag-ibig at kapayapaan



sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristong



Anak mo, kasama mo at ng Espiritu Santo



magpasawalang hanggan.





Amen.





ESPRITUWAL NA KOMUNYON





N:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos



At turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos



Ipahayag natin nang lakas-loob:





L:        AMA NAMIN …





L:

Aking Hesus,



Naniniwala akong Ikaw ay nasa Kabanal-banalang Sakramento.



Minamahal Kita higit sa lahat ng bagay, at ninanais kong tanggapin ka sa aking kaluluwa



Bagamat hindi Kita matatanggap ngayon sa Sakramento,



Inaanyayahan Kitang pumasok sa aking puso.



Niyayakap Kita na narito na sa puso ko at iniu-ugnay ko ang aking sarili sa Iyo.



Huwag Mo nawa akong pahintulutang mawalay sa Iyo. Amen.







Panalangin/ Awit ng Pasasalamat:



SA ‘YO LAMANG



Puso ko'y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako'y iyo habang-buhay



Aanhin pa ang kayamanan
Luho at karangalan
Kung ika'y mapasa-akin
Lahat na nga ay kakamtin



Sa 'yo lamang ang puso ko
Sa 'yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa



Tangan kong kalooban
Sa iyo'y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa 'yo



Sa 'yo lamang ang…






Pangwakas na Panalangin





N:         Manalangin tayo:



O Diyos, takbuhan namin sa pagsubok ng buhay,



Lakas sa karamdaman, aliw sa kalumbayan



Iligtas Mo po ang Iyong bayan, samo namin,



Upang kahit na kami ay batbat ng mga paghihirap,



Matagpuan naming sa Iyong awa ang aming lunas.



Sa pamamagitan ni Hesukristong Anak Mo, kasama ng Espiritu Santo,  magpasawalang hanggan, Amen.





L:                   Amen.







PANGWAKAS:





Pagbabasbas ng Layko





N:      Pagpalain nawa tayo ng Diyos, iligtas sa lahat ng masama at dalhin sa buhay na walang hanggan.





L:        Amen.





Paghayo





N:    Humayo tayo sa kapayapaan ni Kristo.





L:     Salamat sa Diyos.





PANALANGIN KAUGNAY NG COVID19



Amang Makapangyarihan

Lumalapit kami sa Iyo sa aming pangangailangan

Ingatan Mo kami laban sa COVID-19 Virus

Na lumalaganap sa kasalukuyan at

Nagiging sanhi ng kamatayan.

Tulungan Mo ang mga nagsisipag-aral sa kalikasan

At pinagmumulan ng virus na ito at kung paano

Masusugpo ang paglaganap ng sakit na dulot nito.



Gabayan Mo ang mga kamay at isipan

Ng mga eksperto sa medisina

Nang mapaglingkuran nila

Na may puso at kakayahan

Ang mga may karamdaman,

At sa mga sangay ng pamahalaan

At mga pribadong ahensya na makatagpo

Ng lunas at solusyon sa salot na ito.



Isinasamo naming ang mga dinapuan ng sakit na ito

Ay mabalik sa kalusugan sa madaling panahon.

Kumilos nawa kami sa ikabubuti ng lahat

At matulungan ang lahat ng nangangailangan.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristo,

Kasama ng Espiritu Santo, Magpasawalang hanggan.



Amen.



Birheng Maria, Takbuhan ng mga Kristiyano, Ipanalangin mo kami.

San Rafael Arkanghel, Ipanalangin mo kami.

San Roque, Ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami.

San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami.


Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS