NASA BIBLIYA BA? – IMAHEN, ESTATUWA, PAGSAMBA SA DIYUS-DIYOSAN
TALAGANG BAWAL ANG PAGSAMBA SA
MGA DIYUS-DIYOSAN – MAGING ITO AY ESTATUWA, PERA AT KAYAMANAN, KAPANGYARIHAN AT
LAKAS, KOTSE, SEX, PAGPAPA-MUSCLE AT PAGPAPA-SEXY, AT ANUMANG BAGAY NA NAGIGING
SENTRO NG PUSO NG TAO.
AT BAGAMAT SA EXO 20 IPINAGBAWAL
NG DIYOS ANG PAGGAWA NG MGA IMAHEN PARA SAMBAHIN, HINDI NIYA IPINAGBAWAL ANG PAGGAWA
NG LAHAT NG URI NG IMAHEN (MABABASA SA MGA TALATA SA IBABA).
ANG KONTEKSTO AY GANITO: HINDI
BAWAL GUMAMIT NG MGA LARAWAN O IMAHEN KUNG ITO AY MAGDADALA NG ISIP AT ALA-ALA
NATIN SA MGA BAGAY NA MAKALANGIT AT MAGDADALA SA ATIN SA PAGSAMBA SA TUNAY NA
DIYOS. HINDI SILA MGA DIYUS-DIYOSAN TULAD NANG PANAHON NG MGA PAGANO SA EGYPT
NA TINUTUKOY SA EXODO.
PARA IYANG MGA LARAWAN NG MAHAL
SA BUHAY NA TAGAPAG-PAALALA SA ATIN NG ATING UGNAYAN, AT SA MGA BAYANI AT
MODELO NG PANANAMPALATAYA TULAD NG MAHAL NA BIRHEN AT NG MGA BANAL NA TAO.
MAY MGA TAONG SOBRA MAG-DEBOSYON
SA MGA IMAHEN KAYA TULOY NAPUPULAAN SILA. PERO ANG KAMALIAN NG ILAN AY HINDI
SALAMIN SA TUNAY NA TURONG KATOLIKO TUNGKOL DITO.
BAWAL ANG SUMAMBA SA MGA
DIYUS-DIYOSAN:
EXO 20:3-5
1 COR 10:14
TINGNAN DIN: MAAARING GUMAWA NG
MGA IMAHEN NA HINDI HAHANTONG SA PAGSAMBA SA MGA ITO
EXO 25:18-20
BILANG 21: 8-9
1 HARI 7:23-29
EXO 26:1
1 HARI 6: 23-28
COL 1:15 – SI HESUS MISMO AY “LARAWAN”
O “IMAHEN” (IKON SA GRIYEGO) NG BUHAY NG DIYOS. ANG DIYOS MISMO ANG NAGBIGAY NG
KANYANG IMAHEN O LARAWAN SA LUPA UPANG MAKILALA AT SAMBAHIN NATIN SA KATAUHAN
NI KRISTONG ANAK NIYA.
-->