READINGS FOR SANTO NIÑO FEAST/ PAGBASA SA PISTA NG SANTO NIÑO




PRAYERS AND READINGS/ PANALANGIN AT PAGBASA
 
I. PRAYERS AT MASS / MGA PANALANGIN  SA MISA
 

A.    ENGLISH

ENTRANCE ANTIPHON

Let the children come to me and do not hinder them.

 

COLLECT

Almighty God, your only Son, begotten from all ages, humbled himself as a child in Nazareth and became subject to Mary and Joseph. Grant that we may learn from his example to embrace your will in all things and, holding fast to the dignity of all, serve our lowly brothers and sisters with open hands and gentle heart. We ask this through our Lord Jesus Christ, your Son, who lives and reigns with you in the unity of the Holy Spirit, one God, for ever and ever. Amen!

 

PRAYER OVER THE GIFTS

God, our Creator, we offer the gifts of bread and wine to recall the childhood of your only Son. Let our offering become the sacrifice of him who brought forgiveness and peace to the world. Grant this through Jesus Christ our Lord.

 

 Communion Antiphon

“Whoever welcomes one such child for my sake,” says the Lord, “welcomes me.”

 

PRAYER AFTER COMMUNION 

Loving Father, you have nourished us at the banquet in honor of the Child born of the Virgin. We pray that we may advance in wisdom and grow daily in faith and works of love, so that we may find favor in your sight. Grant this through Jesus Christ our Lord.

 

 

B.    TAGALOG/ FILIPINO

 

ANTIFONA

Batang sa ati’y sumilang ay anak na ibinigay upang magharing lubusan, taglay ang dakilang ngalang Tagapayo ng Maykapal.

 

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Ama naming makapangyarihan, ang iyong Anak na Diyos na totoo ay naging sanggol noong siya ay naging tao namang totoo. Maging amin nawang panata ang pagsunod sa kanyang kapakum- babaan sa pagdiriwang namin sa kanyang pakikiisa sa mga nasa abang katayuan upang kami’y mapabilang sa iyong pinaghaha- rian sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

 

PANALANGIN SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha, sa pagdiriwang namin sa kapistahan ng Banal na Sanggol, paunlakan mo ang aming pagdulog upang ganapin ang kanyang paghahain at ang kinamtan niyang kapatawa- ran ay pakinabangan namin sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

 

Antipona ng Pakikinabang

Sa pag-uwi sa Nazaret, si Hesus ay masigasig sa pagsunod at pag-ibig sa magulang nIyang matuwid, sina Maria at Jose.

 

PANALANGING PAGKAPAKINABANG

Ama naming mapagmahal, kaming pinapakinabang mo sa iyong piging na banal sa kapistahan ng iyong Anak na isinilang ng Mahal na Birhen ay makapamuhay nawa bilang iyong kasambahay na umuunlad sa karunungan at sa pagiging kalugud-lugod sa iyo at sa kapwa tao sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
 
II. READINGS AT MASS/ MGA PAGBASA SA MISA
 

A. Feast of Sto. Nino, English Readings

FIRST READING: Is 9:1-6

A reading from the book of the prophet Isaiah

The people who walked in darkness have seen a great light; upon those who dwelt in the land of gloom a light has shone. You have brought them abundant joy and great rejoicing, as they rejoice before you as at the harvest, as men make merry when dividing spoils.

For the yoke that burdened them, the pole on their shoulder, and the rod of their taskmaster you have smashed, as on the day of Midian. For every boot that tramped in battle, every cloak rolled in blood, will be burned as fuel for flames.

For a child is born to us, a son is given us; upon his shoulder dominion rests. They name him Wonder-Counselor, God-Hero, Father-Forever, Prince of Peace. His dominion is vast and forever peaceful, from David’s throne, and over his kingdom, which he confirms and sustains by judgment and justice, both now and forever. The zeal of the Lord of hosts will do this!

The Word of the Lord.

RESPONSORIAL PSALM: 

R. ALL THE ENDS OF THE EARTH HAVE SEEN THE SAVING POWER OF GOD.
1. Sing to the Lord a new song, for he has done wondrous deeds; his right hand has won victory for him, his holy arm. R.
2. The Lord has made his salvation known: in the sight of the nations he has revealed his justice. He has remembered his kindness and his faithfulness toward the house of Israel. R.
3. All the ends of the earth have seen the salvation by our God. Sing joyfully to the Lord, all you lands; break into song; sing praise. R.
4. Sing praise to the Lord with the harp, with the harp and melodius song. With trumpets and the sound of the horn sing joyfully before the King, the Lord. R.


SECOND READING: Eph 1:3-6,15-18

A reading from the Letter of Paul to the Ephesians

Praised be the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has bestowed on us in Christ every spiritual blessing in the heavens! God chose us in him before the world began to be holy and blameless in his sight, to be full of love; he likewise predestined us through Christ Jesus to be his adopted sons—such was his will and pleasure—that all might praise the divine favor he has bestowed on us in his beloved.

For my part, from the time I first heard of your faith in the Lord Jesus and your love for all the members of the church, I have never stopped thanking God for you and recommending you in my prayers. May the God of our Lord Jesus Christ, the Father of glory, grant you a spirit of wisdom and insight to know him clearly. May he enlighten your innermost vision that you may know the great hope to which he has called you, the wealth of his glorious heritage to be distributed among the members of the church.

The word of the Lord.




Alleluia
Alleluia! May the peace of Christ rule in your hearts; and the fullness of his message live within you. Alleluia!



CYCLE A
GOSPEL: Mt. 18: 1-5
 A reading from the holy gospel according to Matthew

At that time the disciples approached Jesus and said, “Who is the greatest in the kingdom of heaven?” He called a child over, placed it in their midst,  and said, “Amen, I say to you, unless you turn and become like children, you will not enter the kingdom of heaven. Whoever humbles himself like this child is the greatest in the kingdom of heaven. And whoever receives one child such as this in my name receives me.

 The Gospel of the Lord.


CYCLE B
GOSPEL: Mk 10: 13-16

A reading from the holy gospel according to Mark

And people were bringing children to him that he might touch them, but the disciples rebuked them. When Jesus saw this he became indignant and said to them, “Let the children come to me; do not prevent them, for the kingdom of God belongs to such as these. Amen, I say to you, whoever does not accept the kingdom of God like a child  will not enter it.” Then he embraced them and blessed them, placing his hands on them.


CYCLE C
GOSPEL: Lk 2. 41-52

A reading from the holy gospel according to Luke

The parents of Jesus used to go every year to Jerusalem for the feast of the Passover, and when he was twelve they went up for the celebration as was their custom. As they were returning at the end of the feast, the child Jesus remained behind unknown to his parents. Thinking he was in the party, they continued their journey for a day, looking for him among their relatives and acquaintances.
Not finding him, they returned to Jerusalem in search of him. On the third day they came upon him in the temple sitting in the midst of the teachers, listening to them and asking them questions. All who heard him were amazed at his intelligence and his answers.

When his parents saw him they were astonished, and his mother said to him: "Son, why have you done this to us? You see that your father and I have been searching for you in sorrow?" He said to them: "Why did you search for me? Did you not know I had to be in my Father's house?" But they did not grasp what he said to them.

He went down with them then, and came to Nazareth, and was obedient to them. His mother meanwhile kept all these things in memory. Jesus, for his part, progressed steadily in wisdom and age and grace before God and men.

The Gospel of the Lord.

  B. Kapistahan ng Santo Niño: Mga Pagbasa sa Tagalog

Unang Pagbasa: Isaias 9:1-6

Ngunit napawi na ang dilim sa bayang matagal nang namimighati. Noong mga nakaraang araw, inilagay niya sa kahihiyan ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali. Ngunit sa panahong darating, dadakilain niya ang lupaing ito, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga Hentil!

Nakakita ng isang maningning na liwanag
ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman;
sumikat na ang liwanag
sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim.

Pinasigla mo ang kanilang pagdiriwang,
dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Nagagalak sila na parang panahon ng anihan,
at parang mga taong naghahati-hati sa nasamsam na kayamanan.

Sapagkat binali mo ang pamatok ng kahirapan
at mga bigatin sa kanilang balikat ay pinasan.
Pamalo ng mga mang-aapi, iyong binali
tulad sa Midian na iyong ginapi.

Ang panyapak ng mga mandirigma,
at ang lahat ng kasuotang tigmak sa dugo ay susunugin.

Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin.
Ibibigay sa kanya ang pamamahala;
at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo,
Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama,
Prinsipe ng Kapayapaan.


Salmo: Awit 97 (98):1-6

Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan niyang taglay, walang hirap na natamo itong hangad na tagumpay.
Ang tagumpay ni Yahweh, siya na rin ang naghayag, sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad, tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay nahayag!
Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig; si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit!
Sa saliw ng mga lira kayong lahat ay umawit, at si Yahweh ay purihin sa ating mga tugtugin.
6 Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli, magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating Hari.


Ikalawang Pagbasa: Efeso1:3-6. 15-18

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal, walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo tuwing ipinapanalangin ko kayo. Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na ipagkaloob niya sa inyo ang Espiritu na nagbibigay ng karunungan at nagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung ano ang inyong inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal.


TAON A
Mabuting Balita: Mateo: 18:1-5. 10
 
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, "Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?" Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila at sinabi, "Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap."

"Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit.

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


TAON B
MABUTING BALITA: Marcos 10: 13-16

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay; ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad. Nagalit si Hesus nang makita ito, at sinabi sa kanila, "Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang sawayin, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos. Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya." At kinalong ni Hesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila.

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


TAON K
MABUTING BALITA: Lucas 2, 41-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Taun-taon, tuwing pista ng Paskuwa, ang mga magulang ni Hesus ay pumupunta ng Jerusalem. At nang labindalawang taon na siya, pumaroon sila gaya ng dati nilang ginagawa. Pagkatapos ng pista, sila’y umuwi na. Nagpaiwan si Hesus sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakala ng isa na si Hesus ay kasama ng isa, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Nang malaman nilang hindi siya kasama, siya’y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. Hindi nila siya matagpuan, kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon hanapin. At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa loob ng templo, nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong; at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan. Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit naman ganyan ang ginawa mo sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa pag-hahanap sa iyo.” Sumagot siya, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako’y dapat na nasa bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.
Siya’y umuwing kasama nila sa Nazaret, at naging isang masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Hesus. Umunlad ang kanyang karunungan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.




#ourparishpriest 2023





Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS