KUWENTONG PAROKYA (PARISH CHRONICLES) - 1
ANG PARISH PRIEST
(KURA PAROKO)
Lahat ng parokya, may Parish Priest,
ang tumatayong siyang ama ng pamayanan ng Diyos sa isang munting lugar. Ang
Parish Priest ang karaniwang kaisa-isang pari para sa buong parokya. Dito sa pilipinas bihira ang parokya na
may dalawa o higit pang pari.
Normal na ang mayroong isa, ang Parish Priest o Kura Paroko.
Iba’t-iba ang pananaw ng mga tao
sa kanilang Parish Priest. Kapag
bago pa lang ang pari, at lalo pa at ito’y bata pa, kinagigiliwan siya ng mga
tao. Laging may nakamasid at
nakikinig sa kanyang mga kilos at salita.
Kapag magaling ang karisma niya, tiyak madali niyang mahahatak ang mga
tao patungong simbahan.
Gusto ng mga taong ang Parish Priest
nila ay mahusay magsalita, magaling makisama, mabait at maunawain sa kanila at
malapit ang puso sa mga mahihirap.
Merong mga lugar na gusto nila ang pari ay magaling kumanta, maganang
kumain o kaya naman sanay mag-ballroom dancing o modern dance.
Minsan naman, ang Parish Priest
ay kinatatakutan kung akala ng mga tao na siya ay matapang o mahigpit sa
disiplina. Kinaiinisan naman kung
akala nila hindi siya magaling o walang pakialam sa buhay ng parokya o kung
pabaya siya sa kanyang trabaho.
Kapag sa simula pa lang o kaya sa
pagdaan ng panahon ang Parish Priest ay hindi na nagustuhan ng mga tao (o ng
ilang mga tao), parang nasa kahon na siya sa mata ng iba. Mahirap nang kumilos at asahang laging
may tensyon sa parokya tungkol sa paglilingkod.
Dito pa naman sa Pilipinas, sabi
nila, ang daming matang nakatingin sa Parish Priest, at karamihan sa kanila
naghihintay lamang ng maling kilos at pagbagsak ng Parish Priest o pagkasira ng
kanyang pangalan.
Naaalala ko ang isang sikat na
naisulat na tula ilang taon na ang nakalilipas tungkol sa isang pari na lagi na lamang mali sa mata ng
kanyang nasasakupan. The Priest is Always Wrong, sabi ng
titulo ng maikling kathang ito.
Sinubukan kong makakita ng kopya nito. Basahin na lamang po ang sumusunod:
(ANG PARI AY LAGING MALI)
If he
begins the mass on time, his watch is advanced;
If he
begins the mass five minutes later, he keeps people waiting.
(kapag
nagsisimula siya ng Misa sa tamang oras, tiyak advanced ang relos niya/ kapag
nagsisimula siya ng medyo late, pinaghihintay niya ang mga tao)
If he
renovates the church, he keeps on spending;
If he does
not renovate the church, he allows everything to rot away.
(Kapag
pinaayos niya ang simbahan, masyado siyang magastos/ kapag hindi naman niya
inasikaso ang simbahan, hinahayaan niya lamang itong mabulok)
If he is
with women, he is a playboy.
If he is
with men, he is gay.
If he is
with children, he is a pedophile.
If he is
with old women, he is a mama’s boy.
If he keeps
distance from all of them, he is a snob.
(kapag
laging kasama niya ay mga babae, isa siyang playboy/ kapag laging kasama niya
ay mga lalaki, isa siyang bakla/ kapag laging kasama niya ay mga bata, isa
siyang pedophile/ kapag lagi niyang kasama ay mga matatandang babae o mga
manang, isa siyang mama’s boy/ kapag wala naman siyang kasama, isa siyang
isnabero)
If he is
with old people, he is old fashioned.
If he is
with young people, he is out of place.
(kapag ang
barkada niya ay mga matatanda, tiyak siya ay makaluma/ kapag ang barkada niya
ay mga kabataan, tiyak hindi na siya bagay doon)
If he takes
his time in the confessional, he is too slow;
If he does
it fast, he does not really care about the penitents.
(kapag
mabagal siyang magpa-kumpisal, sobrang bagal niyang kumilos/ kapag binilisan
naman niya, tila wala siyang pakundangan sa mga nagkukumpisal sa kanya)
If he
preaches longer than ten minutes, he is boring.
If he
preaches less than ten minutes, he did not prepare his sermon;
(kapag
nag-sermon siya nang higit sa sampung minuto, nakaka-antok siya/ kapag
nag-sermon siya nang wala pang sampung minuto, siguro hindi talaga siya
nakapaghanda)
If his
voice is loud, he shouts at people.
If his
voice is soft , he is too hard to comprehend.
(kapag
malakas ang boses niya, bakit siya naninigaw ng mga tao/ kapag mahina naman ang
boses niya, hindi siya maintindihan)
If he owns
a car, he is too worldly;
If he does
not own a car, he is impractical and does not go with the times.
(kapag
de-kotse siya, siya ay maka-mundo/ kapag wala siyang kotse, impraktikal siya at
napag-iwanan na ng panahon)
If he goes
out to visit families, he is always out of the parish;
If he does
not visit them, he is not concerned about the welfare of his parishioners.
(kapag
madalas siyang dumalaw sa mga pamilya, lagi na lang siyang wala sa parokya/
kapag hindi naman siya dumalaw, wala naman siyang malasakit sa kapakanan ng mga
tao.)
If he asks
for contributions, he is very materialistic;
If he does
not ask for contributions, he is just too proud to ask for help.
(kapag
humihingi siya ng donasyon, masyado siyang mukhang pera/ kapag hindi naman
siyan humihingi ng tulong, tiyak isa siyang mayabang)
If he is
young, he has no experience.
If he is
old, he should retire.
(kapag bata
pa siya, kulang pa sa karanasan/ kapag matanda naman, kailan ba siya
magre-retire?)
If he says
sorry, he is insincere.
If he does
not say sorry, he is callous.
(kapag
sanay siyang magsabi ng “sorry”, hindi siya totoo/ kapag hindi naman siya sanay
mag-sorry, isa siyang manhid)
If he
defends himself, he is proud and is blind about the real issues.
If he does
not defend himself, he is guilty and should be punished soon.
(kapag
ipinagtanggol niya ang sarili, hambog siya at bulag sa mga totoong isyu/ kapag
hindi naman siya nagtanggol ng sarili niya, tiyak siya ang may kasalanan at
dapat parusahan)
As long as
he lives, there are always people who are better than him;
(habang
buhay siya, laging may mga taong mas magaling sa kanya)
But when
the priest dies … is there anybody willing to take his place?
(pero kapag
namatay ang pari… mayroon bang gustong sumunod sa kanyang yapak?)