IKA-30 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON K
NAKAKASIRA ANG “PRIDE,”
ANGAT ANG “HUMBLE”
Ang Pariseo ang modelo ng tunay
na mayabang. Bulag siya sa kanyang
sariling kasalanan at mga pagkakamali. Subalit dilat na dilat ang mata nya sa
pagkukulang ng iba. Ito ang
dahilan kung bakit nainis sa kanya ang Panginoon.
Ang publikano naman ang modelo ng
mababang loob. Kilala niya ang
sarili. Alam niyang wala siyang
maipagmamalaki dahil makasalanan siya sa mata ng kapwa niya dahil sa kanyang
hanap-buhay.
Ang tangi niyang lakas ay ang
aminin ang kanyang kahinaan sa harap ng Diyos. Ito ang dahilan at naging kaaya-aya siya sa mata ng
Panginoon.
Tingnan ang iyong puso: puno ka ba ng pride o ikaw ba ay humble
sa harap ng Diyos?
(trial summary of the gospel reflection in Filipino, for Filipino/ Tagalog readers)
Comments