IKA-17 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON B
LIBRENG TSIBOG!
Nakakatuwa ang isang FB
message: Meron ka bang mga kaibigan na ganito? Yung laging nagsasabi na: Libre
naman diyan! Mahilig tayo as free, sa libre. Kaya sikat ang free wifi, free
taste, free trial, buy 1 get 1 free!
Pero ano ba ang tyansa
kapag free ang isang bagay?
Pwedeng libre nga dahil
promo. Next time tiyak may bayad na.
Pwedeng libre kasi walang
kuwenta. Marami naman at hindi mahalaga, e, kaya ipamigay na lang.
Pero puwede kayang libre
dahil nagmula sa pagmamahal?
Nakatanggap ng libre ang
mga Hudyo mula sa Panginoon. Libreng tinapay at isda mula sa himala ni Hesus.
Inisip siguro ng ilan: Baka promo ito a. Ano kaya kapalit nito? Kelan kaya
singil?
Yung iba siguro akala ay
walang kuwenta ang ipinamigay. Ang dami naman e, sobra-sobra. Mabuti ipinamigay
na nga lang. Mabubulok lang yan sa dami. Hindi kayang ubusin ni Hesus at ng mga
alagad lahat ng ito.
Tuloy dahil hindi nila
naintindihan ang ginawa ng Panginoon; ninais nilang gawin siyang hari. Para laging
may libre, umaapaw ang suppply!
May nakaisip kaya na ang
pagkaing pinagsasaluhan nila ay libre dahil nagmula ito sa pagmamahal? Nagbigay
ng pagkain ang Panginoon dahil sa kanyang habag. Ang makilala siya ay hindi lamang
ang kumain ng tinapay na nabubulok. Hindi lang siya namumudmod ng libreng
tinapay at isda. Ang tunay niyang handog ay ang kanyang sarili. Siya ang tunay
na pagkaing ng mga sumusunod sa kanya.
Hindi Ito promo. Walang tagong intensyon. Wala ring
kondisyon. At hindi ito walang kuwenta o balewala. Ang handog ni Hesus ay
mula sa kanyang espiritu ng sakripisyo at dakilang pag-ibig. Ang “tinapay” na
dulot niya sa mundo ay magmumula sa pagbubuwis ng sarili niyang buhay
Ang pagkaing ito, mula sa pag-ibig at puno ng pag-ibig ay nasa
Eukaristiyang ipinagdiriwang natin. Dito, pinakakain tayo ni Hesus ng pag-ibig
na mula sa kanyang puso. Oo, libre nga ito pero hindi upang gawin natin siyang
hari sa mundong ito. Libre ito kasi nais niyang maging libre din, malaya din
tayong magpasyang sumunod sa kanya bilang hari ng ating puso at kaluluwa.