SINO SI HESUS? part 5
-->
SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”
(INFANCY NARRATIVES)
8.2.1. ANO NAMAN ANG MENSAHE NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA” (INFANCY
NARRATIVES) TUNGKOL SA GAMPANIN O ROLE NI HESUS BILANG KAGANAPAN NG BUONG
KASAYSAYAN NG ISRAEL?
NANG ISULAT ANG MABUTING BALITA
NI MATEO AT LUKAS, WALA PANG BAGONG TIPAN NG BIBLIYA. ANG ALAM NG MGA TAO NA
BIBLIYA AY ANG LUMANG TIPAN LAMANG (BATAS, MGA PROPETA AT IBA PANG AKLAT).
ANG PAGLALAGAY NI MATEO AT LUKAS
NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA” SA KANILANG UNANG MGA KABANATA AY PARA BAGANG
TULAY MULA SA BANAL NA KASULATAN NG MGA HUDYO PATUNGO SA KUWENTO NG BUHAY AT
PAGLILINGKOD NI HESUS. GUMAWA ANG
MGA EBANGHELISTA NG LAGOM O SUMMARY NG LUMANG TIPAN SA TULONG NG MGA SIMBOLO O
KUWENTO UPANG IHANDA ANG MGA TAO NA LALONG BIGYANG HALAGA ANG PAGDATING NI
HESUS.
KAY MATEO, BINAYBAY NIYA ANG
PINAGMULAN NI HESUS MULA KAY ABRAHAM NA AMA NI ISAAC. KASUNOD NITO ANG TALAAN
NG MGA PATRIARKA O AMA NG ISRAEL PATUNGO KAY HARING DAVID.
MAY PAGPAPAALALA NG KUWENTO NG
PAGKAKALIGTAS NG ISRAEL MULA SA EHIPTO.
SI SAN JOSE AY ISANG PAALALA NI
JOSE SA LUMANG TIPAN NA NANAGINIP NG MENSAHE NG DIYOS.
SI HERODES AY TULAD NG PARAON NG
EHIPTO NA PUMATAY NAMAN SA MGA BATANG LALAKING HUDYO.
SA KUWENTO NI MOSES, ANG PANTAS
NA SI BALAAM AY MULA SA SILANGAN AT NAKAKITA NG TALA NI HARING DAVID. SA
KUWENTO NI HESUS, ANG MGA PANTAS AY MULA SA SILANGAN AT NAKITA NAMAN ANG TALA
NG HARI NG MGA HUDYO.
MAY MGA QUOTATIONS O HALAW NA
SALITA MULA SA LUMANG TIPAN ANG GINAMIT NI MATEO UPANG IHANDA ANG MGA MAMBABASA
SA KATUPARAN NG BATAS AT MGA PROPETA SA PAGDATING NI HESUS.
KAY LUKAS NAMAN, SI ZACARIAS AT
ELISABET AY PAALALA NI N ABRAHAM AT SARAH SA LUMANG TIPAN SA GENESIS.
SI ARKANGHEL GABRIEL, ANG ANGHEL
NG MGA HULING ARAW SA AKLAT NI DANIEL ANG NAGPAHAYAG NAMAN NG MABUTING BALITA
SA BAGONG PANAHON NI HESUS.
ANG PAGPAPAHAYAG NG PAGLILIHI KAY
JUAN BAUTISTA AT KAY HESUS AT TULAD NG NAGANAP SA LUMANG TIPAN.
ANG APAT NA AWIT KAY LUKAS (AWIT
NI MARIA, NI ZACARIAS, NG MGA ANGHEL, AT NI SIMEON) AY PUNO NG SIMBOLO MULA SA
LUMANG TIPAN MULA SA PROPETA AT MGA SALMO.
ANG PAG-AALAY KAY HESUS SA TEMPLO
AY TULAD NG PAG-AALAY NI ANA KAY SAMUEL (1 SAM 1: 24-28).
MULA SA PAGTUTULI KAY HESUS
HANGGANG SA PAGLAKI NIYA, ANG LAHAT AY PAGTUPAD SA BATAS NG DIYOS.
PARA KAY LUKAS, ANG MGA “SALAYSAY
NG PAGKABATA” AY TULAY SA PAGITAN NG LUMANG TIPAN ( SINASAGISAG NINA: ZACARIAS,
ELISABET, SIMEON AT ANA) AT NG BAGONG TIPAN (JUAN BAUTISTA, MARIA, HESUS).