HUWAG MAGING MAGAGALITIN
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 23
Naglalakbay tayong lahat tungo sa
buhay na banal.
Huwag tayong maging galit sa isa’t-isa.
Sa halip, pasulong na lumakad
kasama ang ibang manlalakbay, ang ating mga kapatid, na may pagkabanayad,
kapayapaan at pagmamahal.
At kung anuman ang maganap sa
daan, gaano man kasuklam-suklam ang mga pangyayari, huwag pabayaang magkaroon ng
poot sa iyong puso.
Taglayin mo ang payo ni Jose (sa Lumang Tipan) nang
nagpaalam siya sa kanyang mga kapatid: “Huwag kayong magkagalit habang daan.”
Huwag pabayaang makapasok ni
katiting na galit sa iyong puso.
Iwaglit nang lubos, sabi ni San
Agustin, ang kahit munting presensya ng galit, kahit pa tila may
katuwiran ka.
Dahil kapag nakapasok ito sa
iyong puso, mahirap na itong bunutin.
Ang isang tuldok ay madaling
nagiging isang haligi. Mananatili ito sa iyo kung hindi mo susundin ang payo ni
San Pablo na huwag hayaang malubugan ng araw ang iyong galit; ang pagkagalit ay magiging pagkamuhi at pagkapoot balang araw.
Kapag lalo pa itong pinakain ng
mga hinuha at imahinasyon, magiging imposible na makawala ka pa dito.
Pinakamainam na iwasan ang galit
kaysa labanan ito pagkatapos; dahil kapag binigyan mo ng isang pulgada ang galit,
madali itong humaba sa isang milya.
Sa maghapong ito:
HUWAG KA NANG MAGALIT, KAPATID. sige... papangit ka... lalo (joke)!!!
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)
-->