NASAAN NA ANG PANANAMPALATAYA MO?
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 25
Hindi mahirap na maalala ang
ating kahinaan.
Sa anumang sandali, gaano man
katindi ang ating mga panalangin, gaano man tayo kumbinsido sa ating lakas
espirituwal, makikita natin, may babala man o wala, na tayo ay mahuhulog sa
nakahihindik na katotohanan, habang buong kababaang-loob na humihiling sa Diyos
na maawa sa atin.
Isipin mo si Pedro. Ayan, sobrang
tiwala sa kanyang pananampalataya, na umalis sa bangka at tumapak sa tubig.
Subalit nang ang hangin ay
biglang umihip at ang mga alon biglang humampas, ang bilis niyang sumigaw:
Panginoon, iligtas mo po ako!
At ang tugon ni Hesus ay
kasimbilis din.
Sinunggaban niya ang kamay ni
Pedro at pinagsabihan siya: Nasaan ang iyong pananampalataya? Bakit ka ba
nagduda sa akin?
May kaibahan ba sa atin iyan?
Hindi ba’t madalas din na kailangan
pang dumanas ng mga buhawi ng tukso, o ng mga daluyong ng pagsubok, bago tayo tumawag sa
Diyos?
Natutumba tayo at sinasalo tayo
ng Diyos.
“Nasaan ang iyong
pananampalataya?” tanong niya sa atin. “Bakit ka nagdududa pa?”
Nasaan nga ba? Bakit nga ba?
Sa maghapong ito:
NASAAN NA NGA BA ANG AKING
PANANAMPALATAYA?
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)
-->