IKA-28 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K
SA PILING NATIN
Sa ebanghelyo ngayon ng 10
ketongin na pinagaling, tila ang daling kunin ang mensahe.
Di ba tungkol iyan sa
pasasalamat? 9 na ketongin ang gumaling at nagmamadaling umuwi.
Isa ang nakaisip mag-effort na
bumalik ang magpasalamat sa Panginoong Hesus.
Paano kung huwag muna natin
isipin ang 9 na walang utang na loob na ketongin?
At kahit ang isang puno ng
pasasalamat?
Ituon muna natin ang pansin sa
Panginoon.
Ang sabi sa mabuting balita, nang
pumasok si Hesus sa isang nayon, sinalubong siya ng mga ketongin.
Bakit ang dali nilang natagpuan ang
Panginoon? E kasi, ang daling hulaan kung saan matatagpuan si Hesus!
Sa piling ng mga tao. Kasama ng
mga tao. Lagi siyang nasa lansangan at nakikilakbay sa mga kaibigan at
dayuhan, sa mga maysakit, kababaihan,
bata, at mga mahihirap.
Alam ng mga ketongin na tiyak na
dadaan doon si Hesus… tiyak na makikita sila… tiyak na hihinto, kakausapin,
mamahalin, pahahalagahan at pagagalingin sila ni Hesus!
May ganyan bang tao sa paligid
nila? Sino ba sa Bible ang aasahan mong makipagkuwentuhan sa mga ketongin?
Sino ang aasahan mong maglalaan
ng oras sa mga taong madumi, mabaho, at makasalanan?
Habang natatagpuan ng iba ang Diyos,
ang galak at kapayapaan
… sa pagdarasal mag-isa
… sa pag-aaral nang tahimik
… sa pamumuhay nang bukod
… sa malayo at hindi personal na
pakikitungo
… sa pag-uutos mula sa itaas,
natagpuan ni Hesus ang Diyos,
hindi sa kabila ng, kundi sa pamamagitan ng mga taong nakasalamuha niya –
sinuman sila at saanman sila.
Kahanga-hanga ang naganap sa mga
ketongin dahil nagpasya si Hesus na makipisan sa kanila!
Ito siguro ang naunawaan ng isang
ketongin kaya nagpumilit siyang bumalik at magpasalamat! Salamat po, Panginoong
Hesus, dahil ang dali mo matagpuan!
Hamon sa atin ito ngayon ha?
Hindi ba mas gugustuhin nating
… magtago kapag may
nangangailangan ng tulong natin? (yung mga mangungutang!)
…iwasan ang mga taong pangit ang reputasyon?
… hindi pansinin ang mga maliliit
at walang halaga sa paligid?
… humiwalay sa mga hindi nating
type?
… ipagdasal na lang sila kesa
tawagan, i-text, o kumustahin?
Kung may 10 “Ketongin” sa buhay
natin ngayon, ilan kaya ang gagaling dahil sa tayo ay kapiling nila?
Ilan kaya ang magkakaroon ng
dahilang magpasalamat dahil natagpuan nila tayo, nakasalamuha nila tayo, at
minahal natin sila?
O Hesus, gawin po akong tulad mo
sa pagkatuklas ng kahalagahan, kagandahan, at kapangyarihan ng pagiging nasa “gitna,”
hindi “malayo” sa aking mga kapatid!
salamat sa pag-share sa inyong social media...
salamat sa pag-share sa inyong social media...