KAPISTAHAN NI MARIA, INA NG DIYOS; BAGONG TAON 2014
PAGNINILAYAN NATIN ANG TAONG DUMARATING Ang Mahal na Birheng Maria ang ating kalakbay simula pa noong Adbiyento. Napakaraming pangyayari ang naganap sa kanyang buhay na isa-isa nating hinimay nitong mga simbang gabi sa ebanghelyo. At sa ganitong mga nakakahilong pangyayari, hindi kaya nahirapan ang Mahal na Birhen na malusutan bawat pagsubok? Sa ebanghelyo ngayon matatagpuan natin ang lihim ng tagumpay ng Mahal na Birhen. Sabi dito: itinago ni Maria ang mga bagay na ito sa kanyang puso at pinagnilayan niya ang mga ito (Lk. 2:19). Minsang nagtataka ako kung ano ang kaugnayan ng Mahal na Birhen sa Bagong Taon. Pero ngayon malinaw na tinatawag pala tayong hindi lamang salubungin ang mga pangyayaring dumating at darating pa sa ating buhay. Mas kailangan nating unawain at maintindihan ang kahulugan at mensahe ng Diyos para sa atin. Mahalagang magkaroon ng pananaw sa buhay na pagiging “mapagnilay”. Marami pang magaganap sa ating buhay ngayo...