DAKILANG KAPISTAHAN NG KRISTONG HARI
SAANG ROW KA NAKAUPO? Sa aking pagninilay sa Ebanghelyo sa Solemnidad ng Kristong Hari, naalala ko ang aking kabataan. Sa grade school, tayo pinapaupo ng ating mga guro ng “by row”. Ang bawat row ay may inirerepresentang ugali sa klase. Ang mga nakaupo sa unang row ay tahimik at masisipag mag-aral. Ang mga nasa pangalawang row ay may unting kakulangan sa pokus. At sa pangatlo, pang-apat at panglima.. Alam kong nauunawaan niyo ang aking ibig sabihin. Sinasabi sa atin ng ebanghelyo na ihihiwalay niya ang mga tupa sa kambing, gaya ng ginagawa ng ibang pastol; may ilan sa kanan at yung iba sa kaliwa. Ito ay normal. Ito ay ginagawa para ipagsama ang dapat na magkakasama. Ang mga nasa kanan ay makakatanggap ng papuri at gantimpala. Ang mga nasa kaliwa ay ang mga umalis at lumisan o ang mga tumalikod sa Diyos. Pero paano ba ako makakapunta sa unang row sa kanang bahagi? Gusto ko mapunta kung nasaan ang mga tupa. Paano ako mapapabilang sa taong tahimik? Pag dating sa mga uliran, panga...