Posts
Showing posts from November, 2014
SAINTS OF DECEMBER: SAN NICOLAS
- Get link
- X
- Other Apps
DISYEMBRE 6 SAN NICOLAS (ST. NICHOLAS), OBISPO A. KUWENTO NG BUHAY Lalo ngayong magpa-Pasko na, kasama natin lagi ang diwa ng santong si San Nicolas, ang dating obispo ng Myra sa Lycia , na ngayon ay bahagi ng bansang Turkey . Ang sikat na Christmas character na si Santa Claus ay hango sa totoong buhay ni San Nicolas. Si Santa Claus ay mahal ng mga bata dahil naniniwala sila na magpapamudmod siya ng mga regalo at pagkain sa Pasko. Ano ba ang kaugnayan ng character ni Santa Claus sa totoong obispo na pinagbatayan ng kanyang kuwento? Si San Nicolas ay may isang tiyuhin na obispo na ang pangalan ay Nicolas din. Dahil sa tiyuhin na ito, ang kanyang pamangkin na si San Nicolas ay naging isang pari at pumasok sa monasteryo kung saan naging pinuno siya doon ng mga monghe. Nang lumaon, si San Nicolas ay naging obispo ng Myra . Isa siya sa mga dumalo at lumagda sa dokumento ng “ Council of Nicaea ” noong taong 325, kung saan ipina...
SAINTS OF DECEMBER: SAN JUAN NG DAMASCO
- Get link
- X
- Other Apps
DISYEMBRE 4 SAN JUAN NG DAMASCO (ST. JOHN DAMASCENE), PARI AT PANTAS (DOCTOR) NG SIMBAHAN A. KUWENTO NG BUHAY Tayong mga Katoliko ay gumagamit ng mga larawan at imahen sa ating pagdarasal at buhay-pananampalataya. Kahit na ano pa ang sabihin ng mga Kristiyanong hindi-Katoliko na kalimitan ay pinipintasan ang ating gawaing ito, mahal pa rin natin ang mga banal na imahen o larawan bilang tagapagpaalala sa atin ng buhay ng Diyos at ng mga banal na tao. Si San Juan ay ipinanganak sa Damascus (na ngayon ay bahagi ng bansang Syria ), kaya nakakabit sa pangalan niya ang salitang Damasco. Isinilang siya sa isang pamilyang Arabo-Kristiyano mga bandang taon 675. Nag-aral siya ng philosophy at pumasok sa monasteryo upang maging isang pari at monghe. Ang isang monghe ay nakatira sa loob ng monasteryo sa kanyang buong buhay, tanda ng pagtalikod nila sa lahat ng uri ng kamunduhan at ng pagtatalaga ng buhay niya sa Diyos la...
SAINTS OF DECEMBER: SAN JUAN NG KETY
- Get link
- X
- Other Apps
DISYEMBRE 23 SAN JUAN DE KETY ( ST. JOHN OF KANTY), PARI A. KUWENTO NG BUHAY Kababayan ng kilala nating Papa Santo Juan Pablo II ang tampok na santo para sa araw na ito. Ipinanganak sa bayan ng Kanty sa Diyosesis ng Cracow , Poland si San Juan de Kety noong 1390. Nang lumaki siya ay nagpari si San Juan at naging kilala sa katalinuhan. Natapos niya ang kanyang Doctorate in Philosophy sa University of Cracow noong 1418 at nagsimula siyang magturo. Una siyang nagturo sa isang paaralan sa loob ng kumbento sa loob ng 8 taon at pagkatapos nito ay lumipat siya sa University of Cracow kung saan siya ay naging Dean ng faculty doon. Lalong nakilala sa kagalingang magturo si San Juan. Naghawak din siya ng gawaing pastoral o pam-parokya subalit sandali lamang at bumalik siya muli sa pagtuturo, ang kanyang natatanging talino at pagka-bihasa. Ang kanyang pagtuturo ay walang bahid ng maling aral sa pananampalataya. Maging ang m...
SAINTS OF DECEMBER: SAN PEDRO CANISIO
- Get link
- X
- Other Apps
DISYEMBRE 21 SAN PEDRO CANISIO (ST. PETER CANISIUS), PARI AT PANTAS NG SIMBAHAN A. KUWENTO NG BUHAY Ang paring si San Pedro Canisio ay ipinanganak sa bansang Holland noong 1521. Nag-aral siya sa Cologne ( Germany ) at sa Louvain ( Belgium ). Sa edad na 23 pumasok siya sa Kapisanan ni Hesus ( Society of Jesus ), na itinatag ni San Ignacio ng Loyola at kinabilangan din ni San Francisco Javier. Nang maging pari si San Pedro siya ay naglingkod bilang isang theologian (eksperto sa theology o sa pag-aaral tungkol sa Diyos) at bilang isang guro. Tinawag siya ni San Ignacio de Loyola sa Roma at doon siya ay naging ganap na Heswita o Jesuit (miyembro ng Society of Jesus ) noong 1549. Pagkatapos nito, nagtungo si San Pedro Canisio sa Germany kung saan sa loob ng 30 taon, walang sawa at walang pagod niyang hinarap ang gawain ng pagpapanariwa ng buhay ng mga Katoliko doon. Naging lider siya ng mga Jesuits doon sa ibat-ibang posisyon na hinawakan...
SAINTS OF DECEMBER: SAN DAMASO
- Get link
- X
- Other Apps
DISYEMBRE 11 SAN DAMASO I, SANTO PAPA (POPE) A. KWENTO NG BUHAY Nagsimula ang kasaysayan ng buhay ni San Damaso sa kanyang tinubuang bayan, sa Espana, noong taong 305. Paglipas ng panahon, si San Damaso ay tinanggap sa kalipunan ng mga pari sa Roma. At noong 366, sa gitna ng kaguluhan sa simbahan, nahalal bilang “Obispo ng Roma” si San Damaso. Mahalaga sa buong simbahan ang Obispo ng Roma na tinatawag sa buong daigdig bilang “ang Santo Papa”. Lahat ng obispo ay kinikilala bilang kahalili ng mga apostoles ng Panginoong Hesukristo. Subalit ang Obispo ng Roma ay siyang pinaka-tampok sa mga obispo dahil siya ang sumusunod sa yapak ni San Pedro, ang pinuno ng mga apostoles. Si San Pedro ay nakarating sa Roma ayon sa tradisyon ng simbahan, namuhay at nangaral doon at doon din ay nagbuwis ng buhay. Lahat ng Obispo ng Roma, lahat ng nagiging “Santo Papa” ay may ganitong uring katangi-tangi gampanin – ang maging pinuno ng Simba...
SAINTS OF DECEMBER: SAN FRANCISCO JAVIER
- Get link
- X
- Other Apps
DISYEMBRE 3 SAN FRANCISCO JAVIER (ST. FRANCIS XAVIER), PARI A. KUWENTO NG BUHAY Isa sa mga unang imahen na nakita ko ay ang isang lumang imahen ng isang paring naka-itim na sutana, may hawak na krus at naka-akmang nagbibigay ng pangaral sa mga tao. Ito pala ay imahen ni San Francisco Javier na ipinakikilala bilang isang modelo sa paglilingkod sa Panginoon. Si San Francisco Javier ay mula sa bansang Espanya kung saan siya isinilang nang taong 1506. Habang siya ay nag-aaral sa Paris , France , nakilala niya at hinangaan si San Ignacio ng Loyola. Naging unang alagad siya ni San Ignacio nang itatag nito ang Kapisanan ni Hesus ( Society of Jesus o Jesuits ). Naging pari si San Francisco noong 1537 at nagsimula siyang magtalaga ng buhay sa paglilingkod sa kapwa. Noong 1542, ilang isang misyonero, nagpunta si San Francisco sa kabilang sulok ng mundo, sa Asya, upang simulang ihasik ang Mabuting Balita ng ating Panginoong Hesukristo. Mahaba...
IKA-APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO – B
- Get link
- X
- Other Apps
TANGGALIN ANG IMPOSIBLE May mga panahong akala natin imposibleng mangyari, imposibleng magbago, imposibleng kumilos. Surrender tayo sa imposible kaya hindi tayo maka-usad, hindi tayo maka-tayo, hindi tayo maka-angat. Pero alam mo ba, ang Diyos ang kalaban ng imposible. Yung hindi matarok ng isip ay posible sa puso ng Panginoon. kapag sinabi niyang mangyayari, magaganap nga ito hanggat tayo ay bukas at naniniwalang ito ay mangyayari. Tingan mo si Maria. Walang asawa, walang karanasan, sobrang bata para maging ina. Eto at sabi ng anghel: maglilihi ka at manganganak ng isang sanggol na lalaki. Tingnan mo si Elisabet. May asawa pero baog, at sobrang tanda na para magka-anak. Pero sabi ng anghel: buntis na siya ngayon nang 6 na buwan! Walang imposible sa ating Diyos! Naniniwala ka ba dito? Naniniwala ka ba na kaya ng Diyos gawin ang lahat para maging mabunga at makabuluhan ang buhay mo? Naniniwala ka ban a mahal ka ng Diyos na kaya niyang wasakin a...
FOURTH SUNDAY OF ADVENT – B
- Get link
- X
- Other Apps
DOING AWAY WITH THE IMPOSSIBLE There are times we think things are impossible to happen, impossible to change, impossible to move. We are resigned to the impossible and so, we cannot move on, we cannot rise up, we cannot go up higher. But God is the enemy of the impossible. What is inconceivable by the mind is possible in the heart of the Lord. If he declares that something will happen, it will happen as long as we are open and receptive for it to happen. Look at Mary. She was unmarried, a virgin, much too young to be a mother. And yet, now the angel announces: you will conceive in your womb and bear a son. Look at Elizabeth, she was married but barren and much to old now to bear a child. And yet, the angel says: she has conceived a son in her old age. Nothing is impossible for God! Do you believe this? Do believe God can do everything to make your life meaningful and fruitful? Do you believe God loves you so ...
IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO – B
- Get link
- X
- Other Apps
HANDA NA BA SA SANTO PAPA? Mula nang i-announce na darating ang Pope sa bansa natin sa 2015, sinimulan na ng mga awtoridad dito ang paghahanda sa simbahan at sa bayan. Nang i-announce na pupunta sya sa Tacloban, binilisan ng mga pinuno doon ang kanilang paghahanda. Pinaganda ang paligid, tinapos ang mga construction work, inilipat ang mga tao mula sa tolda at temporaryong tirahan sa bagong gawang tahanan. Isang pamayanan ng mga mahihirap na evacuees ang binalak na tanggalin sa dadaanan ng Pope para hindi sila makitang naghihirap pa rin sila isang taon matapos ang trahedya. Pero nag-protesta ang mga tao at hiningi nila na dapat silang makita ng Pope. Dapat makita ng Pope kung ano sila ngayon – mahirap, nagdurusa at miserable pa rin! Kung naiisip natin ang ibat-ibang paghahanda sa pagdating ng isang lider mula sa Roma, lalo yata tayong dapat nating ihanda ang ating puso at ang ating mundo para sa pagdating ng minamahal na Anak ng Diyos at Tagapag...
THIRD SUNDAY OF ADVENT – B
- Get link
- X
- Other Apps
READY FOR THE POPE? As soon as the news of the pope’s visit to the Philippines in 2015 was announced, local authorities began earnest preparations both for the church and for the civil society. They started beautifying the surroundings, finishing stalled construction work, moving people from evacuation sites to newly-built homes. One community of poor evacuee-families was to be removed so that the pope will not see the sorry plight of the people one year after the tragedy. But the people protested and demanded that they want the pope to see them as he passes by. They want the pope to see them as they really are - poor and miserable and all! If we can think of so many preparations for the coming of an important church dignitary from Rome, all the more must we prepare our hearts and our world for the coming of the beloved Son of God and Savior of the world. That is why John the Baptist continues to disturb us with his mission and his message: ...