DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGPAPAKITA NG PANGINOON: EPIFANIA O TATLONG HARI
KALOOB AT MISTERYO Pasko ang panahon ng mga regalo. Ang tatlong pantas o tatlong hari ay may dalang handog sa Batang Hesus. Ang Diyos naman ang nagbigay ng pinakadakilang regalo sa mundo- ang kanyang kaisa-isang Anak, nakabalot sa lampin, simbolo ng kababaang-loob. Ang pagsilang ni Hesus ay kaloob ng Diyos sa mga taong naglalakbay sa kadiliman at nababalot ng makapal na ulap, tulad ng sinasabi ni Isaias 60. Nais ng Diyos ang kalayaan ng kanyang bayan at gusto niya silang gawing maningning na ilaw para sa lahat. Sa matagal na panahon, ang alam lamang ng mga tao ay pagka-alipin at kahihiyan. Ngayon, ang Diyos ang siyang nagpapabago sa kahirapan ng Israel at ginagawa silang marangya, sa gulat at pagka-inggit ng kanilang mga kapit-bayan. Sa Sulat sa mga taga-Efeso, paliwanag naman sa atin na ang regalo ng Diyos ay isang misteryo, hindi misteryong mahirap malaman. Kundi misteryong ibinunyag na, ibinahagi na upang maramdaman ang pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos a...